Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Vow of Obedience, obligasyon ng isang Pari na sundin

SHARE THE TRUTH

 18,088 total views

Umapela ang Archdiocese of Manila kay Fr. Alfonso Valeza na sundin ang kautusan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula makaraang alisin bilang parish administrator ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo para tupdin ang mga programang inilalaan sa kanya.

Ayon kay Archdiocese of Manila Vicar General at Moderator Curiae Fr. Reginald Malicdem, dapat isabuhay ni Fr. Valeza ang sinumpaan noong ordinasyon na kahandaang sumunod sa pinunong pastol ng arkidiyosesis.

Inalis ng arkidiyosesis ang pari sa parokya dahil sa paulit-ulit na hindi pagsunod sa mga panuntunang inihabilin bilang parish administrator.

Ipinaliwanag ni Fr. Malicdem na ang mga desisyon ni Cardinal Advincula ay para sa ikabubuti ng mga pari at ng simbahan kaya’t nararapat itong sundin.

“Nakikiusap ako kay Fr. Al na sana sumunod tayo sa ating obispo, hindi naman gagawa ng desisyon si Cardinal o sinumang obispo para sa ikasisira natin at ng simbahan. Fr. Al let us obey and it takes a lot of humility to obey,” pahayag ni Fr. Malicdem sa Radio Veritas.

Nitong June 4, nagtungo ang mga kinatawan ng audit team ng Archdiocese of Manila kabilang na si Fr. Gilbert Cabigting para sa isasagawang transition subalit hindi pa rin ito sinunod ni Fr. Valeza at piniling manatili sa parokya.

Bukod sa audit team dumating din sa parokya si Bishop Antonio Tobias na inatasan ni Cardinal Advincula na pamunuan ang Commission on Clergy Concern kasama ang dalawang paring canon lawyers na hindi kasapi ng RCAM para sa mas patas na imbestigasyon hinggil sa mga paratang ni Fr. Valeza laban sa ilang lingkod ng arkidiyosesis.

Muling binigyang diin ni Fr. Malicdem ang pangakong pagsunod ng pari sa mga obispo alinsunod na rin sa isinasaad sa canon law [Can. 273 Clerics are bound by a special obligation to show reverence and obedience to the Supreme Pontiff and their own ordinary.

Apela naman ni Fr. Malicdem sa mananampalataya ng Gagalangin na tumalima sa inaatas ng cardinal para sa kabutihan at pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa lugar.

“Sa komunidad din naman ng St. Joseph Parish – Gagalangin, we appeal na sana sumunod din tayo sa desisyon ni Cardinal kasi sa bandang huli siya yung pastol sa ating archdiocese, yung kanyang desisyon ay para sa ikabubuti ng lahat, ang nais lang naman niya ay mapag-isa ang community. Magtulungan tayo para maayos at ma-unify natin ang ating parokya,” dagdag ni Fr. Malicdem.

Kaugnay nito, inilabas ng Archdiocese of Manila ang kautusan ni Cardinal Advincula na nilagdaan ni Fr.Isidro Marinay, chancellor ng Archdiocese of Manila na epektibo June 5,2024 ay suspendido ang priestly faculties ni Father Valeza.

Read: https://rcam.org/statement/?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTAAAR0RiVGLOW1CVsRyeEbcl

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 5,442 total views

 5,442 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 16,925 total views

 16,925 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 32,614 total views

 32,614 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 33,414 total views

 33,414 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 43,374 total views

 43,374 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

 2,395 total views

 2,395 total views Mamamahayag, kinilala ng Obispo Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top