Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Wakasan ang human trafficking, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

 2,388 total views

Mariing kinondena ni Pope Leo XIV ang human trafficking at tinawag itong isang mabigat na krimen laban sa sangkatauhan.

Sa kanyang mensahe para sa ika-12 World Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking na ginugunita ngayong February 8, muling iginiit ng Santo Papa ang matibay na paninindigan ng Simbahang Katolika na harapin at wakasan ang makabagong anyo ng pang-aalipin.

Binigyang-diin ni Pope Leo na ang tunay na kapayapaan ay nagsisimula sa pagkilala at paggalang sa dignidad na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat tao. Subalit sa panahon ng karahasan at digmaan, ay madalas isinasantabi ang buhay ng tao kapalit ng interes na pulitikal at pang-ekonomiya.

“True peace begins with the recognition and protection of the God-given dignity of every person. Yet, in an age marked by escalating violence, many are tempted to seek peace through weapons as a condition for asserting one’s own dominion,” ayon sa mensahe ni Pope Leo.

Ayon pa sa Santo Papa, ang armadong tunggalian at kawalang-katatagan sa iba’t ibang panig ng mundo ay lumilikha ng mga pagkakataon para sa mga human trafficker na pagsamantalahan ang mga lumikas at mahihinang sektor, lalo na ang kababaihan at kabataan.

Nagbabala rin ang pinunong pastol sa pag-usbong ng tinatawag na cyber slavery, kung saan nililinlang ang mga biktima sa online schemes at itinutulak sa mga ilegal na gawain tulad ng droga at panloloko. tao.

Hinimok ni Pope Leo ang mga Kristiyano na tumugon sa pamamagitan ng panalangin at kamalayan. Aniya, ang panalangin ang nagbibigay-lakas upang labanan ang kawalang-malasakit, habang ang kamalayan ang susi sa pagbuwag sa mga sistemang mapagsamantala, kabilang na sa digital space.

Ayon pa kay Pope Leo XIV, “Let us all join the journey toward a world where peace is not merely the absence of war, but is ‘unarmed and disarming,’ rooted in full respect for the dignity of all.”

Ipinagkatiwala niya ang pagdiriwang ng World Day laban sa Human Trafficking kay Santa Josefina Bakhita, bilang sagisag ng pag-asa at paninindigan para sa isang mundong may tunay na kapayapaan at paggalang sa dangal ng bawat isa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 68,867 total views

 68,867 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 87,216 total views

 87,216 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 105,500 total views

 105,500 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 260,281 total views

 260,281 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 304,728 total views

 304,728 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pagbabago sa Traslacion 2027, inaasahan

 66,689 total views

 66,689 total views Tiniyak ng pamunuan ng Quiapo Church ang pagkakaroon muli ng pagbabago sa gagawing pagdiriwang ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno para sa

Read More »

2026 national budget, nilagdaan ni PBBM

 56,886 total views

 56,886 total views Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PHP6.793 trillion National budget para sa taong 2026. Ginanap ang paglagda sa General Appropriations

Read More »
Scroll to Top