Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 257 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang administrasyon ni Pangulong Digong Duterte, ilang beses nating narinig sa kanyang kulang na kulang na ang pera ng gobyerno upang tugunan ang marami at mabibigat na problema sa ating bansa.

Ilang buwan mula nang magsimula ang pandemya at ang pagpapatupad ng malawakang lockdown noong 2020, sinabi ng dating pangulong wala nang pera ang pamahalaan upang bigyan pa ng ayuda ang 18 milyong mahihirap na pamilyang ang mga miyembro ay nawalan ng trabaho o hindi makapaghanapbuhay. Kasabay nito ang pangangailangang tulungan ang pag-aaral ng mga estudyante sa malalayong lugar noong isinara ang mga paaralan dahil sa pandemya. Humingi ng pasensya si dating Pagulong Duterte habang nagkakandarapang maghanap ang kanyang administrasyon ng pambili ng mga distance learning gadgets katulad ng mga transistor radio. Nang nanalasa naman ang Bagyong Odette noong 2021, gustuhin man daw ni dating Pangulong Duterte na agarang mabigyan ng tulong ang mga apektado nating kababayan, hiráp daw siyang gawin ito dahil ubos na raw ang kaban ng bayan. Sinisi niya ang pandemya sa kawalan ng pondong magagamit sana sa pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang nawalan ng tirahan at kabuhayan.

Nitong mga nakalipas na linggo, lumabas sa mga ginawang reports ng Commission on Audit (o COA) sa mga ahensya ng gobyerno ang ilang findings na nagpapahiwatig na parang hindi naman talaga nasaid ang kaban ng bayan.

Narito ang ilang halimbawa. Gumastos ang Department of Information and Communications Technology (o DICT) ng 93 milyong piso upang bumili ng mga bagong gadgets katulad ng laptops at tablets. Ngunit natuklasang hindi naman naipapamahagi pa ang mga ito sa mga dapat makatanggap.

Umabot naman sa 1.38 bilyong piso ang ginastos para naman sa mga PPE, ngunit ang pagbilil ng mga ito ay hindi dumaan sa tinatawag na due diligence. Ipinamahagi ang mga PPE sa mga COVID-19 front-liners ngunit ang mga ito pala ay hindi awtorisadong ibenta. At siguro ay narinig na ninyo ang tungkol sa mga laptops na binili ng Department of Education (o DepEd). Sobrang mahal ng mga ito gayong hindi naman mabibilis at de-kalidad ang mga biniling units.

Sa laki ng pondong nailabas ng gobyerno para sa mga bagay na hindi naman napakinabangan o binili nang lampas sa tamang presyo, talaga nga bang walang pera ang nakaraang administrasyon? Ano ang gagawin ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr, sa mga ulat na ito ng COA? Mapapanagot kaya ang mga taong nasa likod ng mga kuwestyonableng transaksyong ito? May mga pagkukulang ba ang nakaraang administrasyon kaya nalustay ang napakalaking pera ng bayan?

Ang mga nasa pamahalaan ay may natatanging tungkuling pangalagaan ang interes ng mga mamamayan, at malaking bahagi nito ang pangangasiwa sa pera ng bayan at paggamit nito sa wastong paraan. Sa isang misa noong 2020, sinabi ni Pope Francis na ang mga opisyal ng gobyerno ay naatasang gumawa ng mga mahahalagang desisyon para sa kabutihang panlahat o common good. Sa paglutang ng mga kuwestyonableng transaksyon sa ilalim ng nakaraang administrasyon—hindi lamang noong nakaraang taon kundi mula pa noong nagsimula ito—masasabi ba nating kabutihang panlahat ang naging batayan ng kanilang ginawang mga pasya sa paggamit ng perang ipinagkatiwala natin sa kanila?

Mga Kapanalig, kasabay ng pagdarasal para sa kanila (gaya nga ng paalala sa 1 Timoteo 2:1-4), tungkulin din nating mga mamamayang bantayan ang kanilang ginagawang mga desisyon. Perang mula sa ating buwis ang ipinagkakatiwala natin sa kanila, kaya dapat lamang na panagutin ang mga naglulustay nito at ang mga nagtatakip sa kanila. Hindi natin ito dapat palampasin at tanggapin na lang ang mga katwirang wala na tayong pera upang tugunan ang mga kailangan ng bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 6,098 total views

 6,098 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 13,579 total views

 13,579 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 26,719 total views

 26,719 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 32,692 total views

 32,692 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 38,446 total views

 38,446 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 6,099 total views

 6,099 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 13,580 total views

 13,580 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 26,720 total views

 26,720 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 32,693 total views

 32,693 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 38,447 total views

 38,447 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,500 total views

 40,500 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,584 total views

 41,584 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,965 total views

 36,965 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,969 total views

 48,969 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,011 total views

 57,011 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,568 total views

 48,568 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,993 total views

 46,993 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,779 total views

 48,779 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,704 total views

 45,704 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,018 total views

 60,018 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top