262 total views
Binigyan diin ni Department of Labor and Employment secretary Silvestro Bello na ang Endo’ is a thing of the past o isang bagay na nakalipas na.
Iginiit ni Bello na ang “endo” ay iligal at labag sa batas.
Tiniyak ng kalihim na mahigpit na babantayan ng DOLE ang mga employer upang tuluyan ng wakasan ang “endo” at sumunod sa mga kasalukuyang batas, partikular ang batas paggawa at patakaran sa kontraktuwal na pag-eempleo.
Nilinaw ng kalihim na ang “endo” ay isang pamamaraan upang makaiwas sa batas sa pamamagitan ng pag-eempleo ng manggagawa ng hindi hihigit sa anim na buwan upang makaiwas na gawin silang permanente
Nanindigan si Bello na kaya nilang bigyang katuparan ang iniatas ng Pangulong Rodrigo Duterte ng 50 porsiyento ang “endo” bago magtapos ang taon at tuluyan na itong matigil sa 2017.
Inihayag ng kalihim na 16,183 o 15-porsiyento ng kabuuang bilang ng mga manggagawa na nasa iligal na kasunduan ng pangongontrata mula sa manufacturing, malls, food chains, hotel at restuarant ang boluntaryong ginawang regular ng kanilang mga employer.
Natapos na ng D-O-L-E ang inspection sa may 8,754 establisyamento, mga principals at contractors kung saan nakitaan ng 209 na paglabag sa batas-paggawa at umaabot sa 12,129 manggagawa ang naapektuhan.