Seguridad sa UNDAS, tiniyak ng PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 467 total reads

Umapela ng tulong sa mga opisyal ng baranggay ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang matiyak ang kaayusan sa pamayanan sa papalapit na Undas.

Ayon kay PNP-NCRPO Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, kakailanganin pa rin ng mga pulis ang tulong ng mga Barangay officials upang maiwasan ang mga krimen at pagsasamantala ng ilang mga akyat bahay sa long weekend ngayong Undas, kung saan karamihan ng mga mamamayan ay nagpupunta sa mga sementeryo o di kaya’y umuuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

“Nakipag-uusap na din tayo sa mga barangay officials na kung pwede tumulong nga dahil maraming nagti-take advantage dito sa mga kababayan natin na lumuluwas o umaalis ng kani-kanilang mga tahanan for the very long weekend, napakahaba nitong Undas nito at sigurado may mag-titake advantage.” pahayag ni Albayalde sa panayam sa Radio Veritas.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Albayalde ang puspusang paghahanda ng PNP sa papalapit na Undas kung saan inaasahang sisimulang italaga sa ika-28 ng Oktubre ang nasa 7,000 mga pulis partikular na sa iba’t ibang mga bus terminal, pantalan, mga paliparan, Simbahan at nasa 99 na mga sementeryo sa buong Metro Manila.

“Ang start ng deployment ng PNP afternoon ng October 28, so by that time magtatalaga na tayo ng mga police assistance desk sa mga iba’t ibang sementeryo particularly dito sa Manila yung pinakamalaki natin is yung North Cemetery plus yung South Cemetery sa may bandang Makati area so yun yung napag-usapan, and here in Metro Manila we will be deploying around mga 7,000 na mga police for this purpose dun sa preparation deployment natin for Undas…” dagdag pa ni Albayalde.

Bukod dito, inaasahan rin ang pagtatalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng nasa 3,000 – tauhan bilang bahagi ng Oplan Kaluluwa na ipatutupad mula ika-28 ng Oktubre hanggang Nobyembre 2 kung saan inaasahang rin ang tulong mula sa pwersa ng Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Local Government Units at ilan pang mga volunteers.

Kaugnay nito, umaasa naman ang Simbahang Katolika na isasabuhay ng bawat mamamayan ang layunin ng Undas na paggunita sa mga namayapa sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang mga himlayan at pag-aalay ng panalangin maging para sa ikapapayapa ng mga kaluluwa sa purgatoryo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 24,387 total reads

 24,387 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 110,987 total reads

 110,987 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 157,726 total reads

 157,726 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 205,598 total reads

 205,598 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 308,346 total reads

 308,346 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top