Waste free UNDAS, ugaliin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 333 total views

Inihayag ng Ecowaste Coalition ang ibat ibang uri ng paghahanda upang maging waste free ang undas ngayong taon.

Kabilang dito ang pagtitiyak na walang Lead o Tingga ang gagamiting pintura para sa mga puntod.

Bukod dito, ipinapayo rin ng grupo na huwag gumamit ng mga disposable utensils, sa halip ay magbaon ng mga pinggan, baso at kutsara at hugasan ito matapos gamitin.

Dagdag pa rito, dapat tiyakin na sapat lamang ang ihahandang pagkain na babaunin, dahil ang labis na pagkain ay makadaragdag rin sa basura sa paligid.

Mainam rin ayon sa Ecowaste Coalition, kung mayroong sariling sako o garbage bag ang bawat pamilya na magpupunta sa sementeryo, sa ganitong paraan maaari nilang iuwi ang mga basura at isegregate ang nabubulok sa hindi nabubulok.

Samantala, makabubuti kung hindi scented ang mga kandilang bibilihin dahil ang scented candles ay mayroong kemikal na makasasama sa kalusugan lalo na ng mga bata.

Panghuli, hinihikayat ng grupo ang mga kaanak na dadalaw sa sementeryo na mag-alay ng sariwang mga bulaklak, sa halip na artificial flowers.

Ayon kay Otchie Tolentino – Zero Waste Campaigner ng Ecowaste Coalition, na sa ganitong pamamaraan ay maidadaos ng may pagmamahal at paggalang ang paggunita sa mga minamahal nating yumao.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority noong 2014 ay 139 truckloads ang nakolekta nilang basura katumbas ito ng 834 tons na mga basura mula sa 21 major cemeteries na Metro Manila.

Muli namang ipinaalala ng Ecowaste Coalition, ang mensahe ni Pope Francis sa Laudato Si na pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at mabuting pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 15,741 total views

 15,741 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 44,092 total views

 44,092 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 111,822 total views

 111,822 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 134,973 total views

 134,973 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 204,060 total views

 204,060 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 352,225 total views

 352,225 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top