Walang maiiwan sa kaunlaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 74,208 total reads

Mga Kapanalig, bisperas na ng Pasko! 

Naghahanda na ba kayo para sa inyong noche buena mamayang gabi? Anong pagkain ang inyong pagsasalu-saluhan? Mga tradisyunal na pagkaing Pilipino ba? O foreign cuisine ba–Italian gaya ng pizza, Chinese gaya ng dumplings, o Japanese gaya ng sushi? 

Speaking of foreign, pumasá noong nakaraang linggo sa Kongreso ang panukalang batas na magpapahintulot sa mga foreign investors na umupa ng mga pribadong lupa sa Pilipinas nang hanggang 99 na taon. Masyado raw kasing restrictive ang kasalukuyang haba ng pagpapaupa na 50 taon lamang. Mas maaakit daw sa mahabang panahon ng pagpapaupa ng lupa ang mga dayuhang mamumuhunan, na magbibigay naman daw ng trabaho sa mga Pilipino at magpapalakas sa ating ekonomiya.

Umalma sa pagpasá ng panukalang batas si Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas. Aniya, ang pagpayag sa pag-upa nang hanggang 99 na taon ay para na ring pagmamay-ari ng lupa, lalo pa’t lampas ito sa average life expectancy ng isang tao, na nasa 73 na taon. Dagdag pa ni Brosas, may mga loopholes o butas ang panukalang batas na maaaring magdulot ng pagpaparenta kahit ng mga sakahang bahagi ng Comprehensive Agrarian Reform Program (o CARP). Malaking banta ito sa mga magsasaka, lalo’t ngayon pa nga lang, may mga nangyayari nang pagbawi ng mga sakahan upang paboran ang malalaking negosyo.

Isang halimbawa ang isyu ng mga katutubong Molbog sa isla ng Mariahangin sa Balabac, Palawan. Natalakay na natin ito sa mga nakaraang editoryal. Patuloy silang pinalalayas sa kanilang lugar at nakararanas ng karahasan mula sa mga tauhan ng mga negosyong pilit na pinapasok ang kanilang isla. Sa Negros Occidental naman, isang grupo ng mga magsasaka sa Hacienda Vicenta ang higit isang dekada nang naghihintay na mapasakanila ang lupa sa ilalim ng CARP. Kaso, kahit ipinagbabawal ng CARP ang pag-convert ng mga irrigated na lupa, inaprubahan noong 2020 ang land use conversion application ng orihinal na may-ari ng Hacienda Vicenta. Bagamat may patunay ang mga magsasaka na irrigated ang lupa, naisapinal na ang desisyon ng conversion.

Ikalulugod naman ng lahat ang pagdami ng mga trabaho sa bansa at paglago ng ekonomiya tungo sa pag-unlad ng mga mamamayan, gaya ng layunin ng panukalang batas. Pero hindi dapat ito mangyari nang may naaagrabyado. Iwasan dapat ang inilalarawan sa Isaias 5:8: “Kawawa kayo na laging naghahangad ng maraming bahay at malawak na mga bukirin, hanggang mawalan na ng lugar ang ibang mga tao, at kayo na lamang ang naninirahan sa lupain.” Siguruhin dapat ng mga mambabatas na ang panukalang batas ay hindi hahantong sa pagkawala ng lugar ng mga Pilipino sa sarili nating bansa para lamang magkaroon ng espasyo ang mga negosyo ng mga dayuhan.

Mga Kapanalig, walang dapat maiwan sa kaunlaran. Gaya ng sabi sa Catholic social teaching na Populorum Progressio, masyado nang marami ang nagdurusa sa proseso ng pagkamit sa kaunlaran, at lumalawak lalo ang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Pero, hindi rin natin sinasabing ang pagpigil sa kaunlaran ang solusyon. Magpatuloy pa rin dapat ang mga hakbang tungo rito, pero siguruhin dapat na hindi naisasantabi at naiiwanan sa pag-unlad na ito ang mga katutubo, magsasaka, at mga maralitang Pilipino.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,274 total reads

 50,274 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,937 total reads

 129,937 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,384 total reads

 163,384 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,682 total reads

 198,682 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,223 total reads

 423,223 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 50,275 total reads

 50,275 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,938 total reads

 129,938 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,385 total reads

 163,385 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,683 total reads

 198,683 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top