VeritasPH

The Word, The Truth

Walang relihiyon sa pagtulong

SHARE THE TRUTH

 234 total views

Ito ang iniwang mensahe ng katatapos na benefit concert ng Brigham Young University (BYU) Chamber Orchestra sa Meralco Theater para sa mga mahihirap na kabataan na makapag-aral.

Ayon kay BYU Tour Director at The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints (Mormons) member Justin Smith, hindi kailanman magiging hadlang ang relihiyon para sa isang taong nagnanais na makatulong at makapaghatid ng saya sa kanyang kapwa.

“No matter if you’re Catholic or Mormon or Muslim or Hindu or whatever it is we are all one family and we felt like joint performance could really bless the lives of others. It doesn’t matter [what’s your religion is] we kind of come together more than divide and I think we need more of that in this time, more love more interaction more working together to the benefit of humankind,” pahayag ni Smith.

Ibinahagi ni Smith na hindi nagdalawang-isip ang BYU Mormon community na magtungo sa Pilipinas at ibahagi ang kanilang talento sa musika sa kapakinabangn ng mga kapus-palad na nagnanais makatuntong sa paaralan.

“Last fall, there was a visiting delegate from the archdiocese who came to BYU and that started the idea of ‘Oh, while you came to Manila, why not we team up and we’ll donate all of the funds to the charity of catholic churches’ choice. And they said you do that for us you come all the way and perform for us and give us the funds and we said ‘Yes we are brothers, I think that was welcome and received very well,” dagdag pa nito.

Ang nalikom na pondo ng konsiyerto ay tutustos sa pag-aaral ng 5,000 iskolar ng Caritas Manila sa ilalim ng programa nitong Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP.

Una nang nagtanghal ang BYU Chamber Orchestra sa Cebu, Bohol, Palawan at Unibersidad ng Pilipinas habang gaganapin naman sa Cultural Center of the Philippines ang kanilang huling konsiyerto sa bansa sa ika-30 ng May na katatampukan ni Lea Salonga.

Positibo naman si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton Pascual na kung mabibigyan ng maayos na edukasyon ang bawat isa ay makakaahon ang bansa sa kahirapan dahil ‘Education is the great equalizer.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 2,807 total views

 2,807 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 10,343 total views

 10,343 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 26,329 total views

 26,329 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 34,374 total views

 34,374 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 39,454 total views

 39,454 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Veritas Team

80K na pamilya, apektado ng lindol sa Northern Luzon

 33,189 total views

 33,189 total views Umaabot na sa mahigit P400-milyon ang halaga ng naitalang pinsala sa agrikultura at mga imprastratura ng naganap na lindol sa Northern Luzon. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal, mahigit sa P13-M halaga na ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura, habang P4.5M ang napinsala sa mga

Read More »
Latest News
Veritas Team

Teachers Dignity Coalition, hiniling sa DepEd na iurong sa Setyembre ang pagbubukas ng klase

 29,179 total views

 29,179 total views Umapela ang Teachers’ Dignity Coalition sa inilatag na school calendar sa papasok na taong-panuruan ng Department of Education sa ilalim ng bagong administrasyon. Ayon kay TDC chairperson Benjo Basas, ang planong pagbubukas ng klase sa August 22 ay hindi sapat para magkaroon ng pahinga ang mga guro mula sa katatapos lang na school-year.

Read More »
Environment
Veritas Team

Kilalanin ang mga pinaka-mahirap at pinaka-mahina.

 2,391 total views

 2,391 total views Binigyaang diin ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, D.D ang kahalagahan ng pagkakaisa sa ika-6 na general assembly ng Philippine Misereor Partnership Inc. o PMPI nitong ika-26 ng Pebrero. Ayon sa obispo, sa pagsusulong ng ating mga adbokasiya, mahalagang kilalanin at tulungan natin ang mga pinakamahihirap at pinakamahihina sa ating lipunan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top