Yaman ng iilan, kahirapan ng nakararami

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,028 total views

Mga Kapanalig, ayon sa pinakahuling crony-capitalism index ng pahayagang The Economist, pang-apat ang Pilipinas sa mga bansa kung saan namamayagpag ang pagyaman ng mga negosyanteng malapít sa mga nasa pamahalaan. Kabilang sa tinatawag na mga crony sectors ang mga negosyong lantad sa rent-seeking o pagmamanipula ng mga may-ari sa mga patakaran at kalagayang pang-ekonomiya ng bansa gamit ang kanilang mga koneksyon sa pamahalaan. Ilan sa mga negosyong ito ay mga bangko, casino, minahan, at construction companies.

Ayon pa sa report, nasa kamay ng mga bilyonaryo sa Pilipinas ang 10% ng gross domestic product o kabuuang kita ng mga Pilipino dito sa bansa noong 2021. Halos 80% ng kayamanan ng mga bilyonaryong ito ay mula sa mga nabanggit na crony sectors. Nangyayari ang pangangamkam ng yamang ito sa pamamagitan ng mga kontratang lamáng ang mga industriyang nabanggit at ng pagkakaroon ng mga cartel na interes ng iilan lamang ang inuuna. Binanggit din ng The Economist na nangyayari ang mga ganitong proseso ng panlalamang dahil pinahihintulutan ang mga ito ng mga batas at mga tuntunin ng pamahalaan.

Sa likod ng kasaganahan ng iilan ay ang matinding kahirapang nararanasan ng maraming Pilipino. Ayon sa Philippine Institute for Development studies (o PIDS), 22% o isa sa limang pamilyang Pilipino ang kumikita ng mas mababa sa itinakdang poverty line na ₱10,481 kada buwan para sa isang pamilyang may limang miyembro. Nasa 35% naman ang maituturing na nasa lower-income class o kumikita ng lambas sa sampung libo piso hanggang sa halos 21,000 piso kada buwan. Sa kabuuan, 57% ng populasyon ng Pilipinas ay maituturing na mahirap. Samantala, 40% ang nasa lower at upper middle class o mga kumikita ng lampas dalawampung libong piso hanggang halos 126,000 piso kada buwan; 2% ang nasa upper class na kumikita ng hanggang halos ₱210,000 kada buwan; at 1% lamang o halos 143,000 pamilya ang maituturing na mayaman o kumikita ng higit sa halos ₱210,000 kada buwan.

Malinaw na sinasabi sa Roma 2:11 na “ang Diyos ay walang kinikilingan.” Dito rin nakaugnay ang turo ng Simbahang may pantay na dignidad ang bawat nilalang ng Diyos. Lahat ay nilikhang kawangis Niya anumang estado o katayuan natin sa buhay. Dahil dito, maituturing na kawalan ng katarungan ang hindi makataong buhay o kahirapang dinaranas ng napakarami sa atin.

Hinihimok tayo ng mga panlipunang turo ng Simbahan na kilalanin ang dignidad ng bawat tao nang maging posible ang sama-samang pagkamit ng kaunlaran. Upang magawa ito, kailangan ang pagtatangi sa mga dukha at mga isinasantabi sa lipunan—o option for the poor—hindi dahil mas may dignidad sila kaysa sa iba, kundi dahil biktima sila ng hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan. Nariyan ang sahod na kulang upang makapamuhay nang marangal ang mga manggagawa, ang minamadaling pagbubukas ng ekonomiya nang walang sapat na proteksyon sa mga lokal na industriya at maliliit na negosyo, at ang mga kontratang pumapabor sa iilang industriya at interes na nauuwi sa crony capitalism. Dagdag pa sa mga ito ang katiwaliang ninanakaw ang pondong para dapat sa maayos na mga serbisyo ng pamahaalaan katulad ng mga ospital at paaralang pinakikinabangan din sana ng mahihirap.

Mga Kapanalig, hindi kulang ang yaman ng mundo. Hindi lang pinagbabahaginan ang mga ito nang wasto. Umpisahan nating baguhin ito sa pamamagitan ng pagtingin sa ating kapwa bilang ating kapantay upang higit nating maunawaan ang kawalan ng katarungan sa lipunan. Gamitin natin ang eleksyon bilang isang pagkakataon upang magkaroon tayo ng  mahusay at makataong pamamahalan na isasaalang-alang ang kapakanan ng lahat. Marami ang nabubuhay sa karukhaan, samantalang iilan ang nagpapakasasa sa yaman ng mundo. Tumulong tayong baguhin ito.

Sumainyo ang katotohanan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 48,499 total views

 48,499 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 78,722 total views

 78,722 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 105,373 total views

 105,373 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 200,346 total views

 200,346 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 218,284 total views

 218,284 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 48,500 total views

 48,500 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 78,723 total views

 78,723 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 105,374 total views

 105,374 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 200,347 total views

 200,347 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top