Yolanda survivors, tumulong sa Mindanao quake victims

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 385 total reads

Inilunsad ng Archdiocese of Palo, Leyte ang kampanya para tumulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao region.

Ito ay kasabay na rin ng paggunita ng buong arkidiyosesis ng Palo sa ika-6 na taon ng pananalasa ng bagyong Yolanda na naganap ika-8 ng Nobyembre 2013.

Ayon kay Fr. Alcris Badana, director ng Relief and Rehabilitation Unit ng Archdiocese ng Palo, Leyte, ang hakbang ay isang paraan din ng pasasalamat sa mga taga-Mindanao sa kanilang ginawang malasakit noong panahong ang lalawigan ay naharap sa matinding hamon dulot ng malakas na bagyo.

“We have a special activity, launching din ng campaign to help naman ang mga kapatid natin na naapektuhan ng lindol sa Mindanao. But in the Archdiocese of Palo right after the news, nagkaroon kami ng campaign for all the parishes to have a special collection for this intention. Knowing na Mindanao they also help us after the typhoon Haiyan (Yolanda) maraming diyosesis sa Mindnao na tumulong sa amin. So this time it is our turn also to extend help,” ayon kay Fr. Badana.

Bilang paggunita naman sa nakaraang sakuna, sinabi ni Fr. Badana na bawat parokya ng arkidiyosesis ay nagdiwang ng misa bilang pag-alaala sa lahat ng mga yumao dulot ng bagyo.

Isang prusisyon din ang idinaos bago ang misa patungo sa mga mass graves sa iba’t ibang bayan para basbasan ang mga nasawi.

Sinabi naman ng pari na sa kabila ng trahedya na dulot ng bagyong Yolanda ay higit na lumalim ang pananampalataya ng mga taga-Palo, Leyte.

Dagdag ng pari, tuloy-tuloy pa rin ang mga programa at proyekto ng arkidiyosesis sa tulong ng iba’t ibang institusyong ng simbahan para sa patuloy na pagbangon ng lalawigan anim na taon makalipas ang trahedya.

Sa tala ng National Disasters Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may 6,300 katao ang nasawi dulot ng trahedya kung saan aabot sa 9.5 milyong residente ang naapektuhan lalu na sa bahagi ng Eastern Visayas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 17,084 total reads

 17,084 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 103,062 total reads

 103,062 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 140,434 total reads

 140,434 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 171,694 total reads

 171,694 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 243,749 total reads

 243,749 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top