100 mga bansa, dadalo sa “Economy of Francesco”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total reads

Magtitipon ang higit sa 1-libong kinatawan mula sa 100 bansa sa lungsod ng Assisi sa Italya upang gunitain ang ‘Economy of Francesco’ (EOF) sa September 22 hanggang 24 na inaasahang personal na pupuntahan ni Pope Francis.

Ayon kay Diego Perez, miyembro ng Latin American Network ng EOF na patuloy ang mga isinasagawang paghahanda ng mga magiging bahagi ng EOF mula sa ibat-ibang bansa.

Ito ang unang beses makalipas ang dalawang taon na gaganapin ang face-to-face pagtitipon upang pag-usapan at isulong ang mga adbokasiya ng EOF.

“We are preparing with the EOF Latin American network a congress that is gonna be replied in many countries,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Perez.

Sa tatlong araw na pagtitipon ay hahatiin ang mga kabataan at ekonomista sa mga grupong ‘Thematic Villages’ na mayroong paksa sa kahirapan, kalikasan at kapatiran upang talakayin ang pagpapanibago ng sistema sa ekonomiya.

“There are thematic villages, Where we work with other members to build a new economy,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Perez.

Sa September 24 o huling araw ng pagtitipon ay nakatakdang magtungo ang Santo Papa sa Assisi upang makibahagi at makipag-diyalogo sa mga dadalong kinatawan ng ibat-ibang bansa.

Taong 2019 ng manawagan si Pope Francis sa mga kabataan at economic leaders sa buong mundo na itatag ang mga inisyatibo na babaguhin ang sistema sa ekonomiya na hindi nakatuon sa personal na paglago at sa halip ay mayroong pagkalinga sa mga nangangailangan.

Matapos ang panawagan ay itinatag ng mga economic leaders mula sa Italya sa pangangasiwa ng Economist na si Luigino Bruni ang EOF kung saan naging bukas ang inisyatibo para sa mga nais makalikha ng pagbabago.

Bunsod ng banta ng COVID-19 Pandemic ay idinaos na lamang online noong 2020 at 2021 ang pagdiriwang ng EOF.

Sa Pilipinas, isa ang Living Laudato Si Philippines sa mga nangungunang organisasyon na taon-taong ginugunita ang EOF kung saan tinitipon ang mga kabataan at ekonomista na nais maging bahagi ng pagpapanibago sa sistema ng ekonomiya.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 4,205 total reads

 4,205 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 58,166 total reads

 58,166 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 94,957 total reads

 94,957 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 127,301 total reads

 127,301 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 178,012 total reads

 178,012 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 239,632 total reads

 239,632 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top