Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

12 kabataan mula sa broken family, hinugasan ng paa ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 221 total views

Labindalawang mga kabataan ang pinili ng Archdiocese of Manila upang gumanap bilang labindalawang Apostol ni Hesus sa misa para sa huling hapunan at paghuhugas ng paa ng mga alagad.

Bago magsimula ang pagdiriwang, tinipon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kabataan upang kilalanin at pakinggan ang iba’t-ibang kwento ng kanilang buhay.

Kinilala ang labindalawang kabataan na sina; Nicole Anne Perez – isa sa mga nahirang na kalahok sa 2018 Synod of Bishops on Young People; Rafael Villegas – volunteer ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa National Shrine of St. Michael and the Archangels sa San Miguel, Maynila; Luna Mirafuentes – miyembro ng Parish Youth Ministry at Ministry of Greeters and Collectors sa San Fernando de Dilao Parish, Paco, Maynila; Carlito Sapunto – ipinanganak na mayroong cerebral palsy at church volunteer sa St. Dominic Savio Parish, Mandaluyong Maynila; Jeffrey Ranola – mula sa Parola Tondo, Maynila at isang aktibong miyembro ng Youth Ministry; Sr. Antonisa, MC – Madre ng Missionaries of Charity mula sa Bangladesh na at limang taon nang nagmimisyon sa Pilipinas; Joel Obreo – nagmula sa bansang India at nagmimisyon sa ilalim ng grupong Ligaya ng Panginoon Community at Christ Youth in Action; Janrey Nevado – anak ng isang security guard at nakapagtapos ng kolehiyo bilang suma cum laude sa kursong Business Administration, Major in Computer Applications; Jenezis Caliwag – deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno, nagtatrabago sa Minor Basilica of the Black Nazarene at isang campus youth animator sa St. Joseph the Worker Parish sa Novaliches; Ferdinand John Azogue at Daisy Jane Azogue – bagong kasal na mag-asawa, at nakaranas din ng maraming pagsubok sa kanilang relasyon subalit pinatatag ng Panginoon; at si Jinky Pelopero – isang iskolar at miyembro ng Ministry of Greeters and Collectors sa Manila Cathedral.

Isa sa karaniwang kwento sa buhay ng karamihan sa labindalawang kabataan ay ang pagkakaroon ng broken family.

Ayon sa mga ito, hindi dahilan ang kawalan ng mga magulang upang sila ay mapalapit sa Panginoon at makapaglingkod, binigyang diin ng mga kabataan na sa ganitong pagsubok ay mahalagang malaman ng bawat isa na mayroong Diyos na handang umalalay sa mga dumaraan sa suliranin.

Samantala, partikular namang nakaantig sa damdamin ang kwento ni Carlito Sapunto na simula pagkapanganak ay mayroon nang cerebral palsy.

Ayon kay Sapunto sa kabila ng pag-abandona sa kan’ya ng kan’yang ina na ngayon ay nasa ibang bansa ay hindi naman nawala ang pag-ibig niya dito at pagnanais na makita at makapiling ito lalo na nang malaman niyang mayroon ding malubhang karamdaman ang kan’yang ina.

Naniniwala din siya na hindi hadlang ang pagkakaroon ng kapansanan upang lumapit sa Panginoon at maglingkod sa simbahan, sa katunayan isa ring deboto at miyembro ng hijos de Nazareno si Sapunto kahit na hindi siya direktang nakasasama sa mga prusisyon at pagbubuhat ng Santo.

TITIGAN, PAKINGAN SI HESUS

Sa pagninilay sa banal na misa, hinimok ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya partikular na ang mga kabataan na titigan at pakinggan si Hesus, na sa Kan’ya ring kabataan ay nagpamalas ng dakilang pag-ibig sa Kan’yang mga kaibigan at nagpakababa nang hugasan Nito ang kanilang mga paa.
Binigyang diin ng Kardinal na si Hesus ay laging nar’yan, patuloy na nagmamahal, at handang hugasan ang paa ng mga kabataan, upang sila din ay maging kaugnay Niya.

Dahil dito, kinakailangang hayaan ng mga kabataan na hugasan ni Hesus ang kanilang mga paa sa pamamagitan ng paglapit sa Panginoon at pagsuko dito ng kanilang mga sugat na dulot ng suliranin, kahinaan, kakulangan at mga pagkakasala.

Mga kabataan, please! Magpahugas kayo kay Hesus. Magpahugas kayo ng mga kasalanan, magpahugas kayo ng mga sugat dahil Siya’y sugatan din, magpahugas kayo ng budhi, magpahugas kayo ng kahihiyan, magpahugas kayo ng buong pagkatao n’yo, huwag kayong mahihiya, kasi si Hesus ang nagmamahal. Kaya N’yang hugasan pati ang ating kasalanan. Let Jesus wash you. Don’t be afraid, don’t be ashamed. The world will judge you but Jesus will wash you, wash you with His blood, that’s how precious you are.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

HUGASAN ANG PAA NG IBA

Hinamon naman ni Cardinal Tagle ang mga kabataan na matapos hugasan ni Hesus ang kanilang mga paa ay sila naman ang maghugas ng paa ng kanilang kapwa kabataan.

Batid ng Kardinal na maraming kabataan ang dumadaan sa pagsubok dala ng nagbabagong kultura sa lipunan at sa pamilya, at dahil sa pagkakaroon ng sugatang puso ng isang kabataan, siya ang higit na makauunawa at magmamahal sa kan’yang kapwa.

Bilang minahal ni Hesus, ipakita nyo sa iba ang pagmamahal na inyong tinanggap, hinugasan ka ni Hesus, pinaglingkuran ka ni Hesus kahit hindi ka karapatdapat, maglingkod ka rin, huwag mong sarilinin ang pag-ibig na ibinigay sa iyo, ibahagi sa iba. Mga kabataan, lumabas kayo sa inyong mundo, may mga ibang mundo pa d’yan, marami ring sugatang katulad nyo kahit ka may sugat wag mong gawin ang sugat mo bilang bilangguan nakakulong ka nalang don. Pahugasan mo kay Hesus ang sugat mo at pagnahugasan, lumabas ka, hugasan mo rin ang sugat ng iba.” Dagdag pa ng Kardinal.

LIKE JESUS, WE MUST LOVE THE YOUTH

Sa huli, umapela naman si Cardinal Tagle sa mga magulang, mga guro at mga may katungkulan na mahalin ang mga kabataan at iparanas sa kanila ang pag-ibig ni Hesus.

Ayon sa Cardinal, kung mararanasan ng mga kabataan ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng mga nakatatanda, anu mang pagsubok ang kanilang harapin o pagdaanan ay hindi na ito magdududa dahil batid na nilang nar’yan si Hesus na nagmamahal.

Binigyang diin pa niya na sa dami ng mapagsamantalang tao ngayon, kinakailangang ang mga kabataan ay protektahan, gabayan, at mahalin sa halip na pagsamantalahan, lokohin, ibenta at pagkakitaan.

Sana maipadama n’yo sa inyong mga anak ang pagmamahal ng Diyos sa kanila, para hindi sila magduda na may Hesus na nagmamahal. Para po sa mga teachers, para sa mga may responsibilidad sa lipunan, ang mga kabataan ay dapat gabayan, hindi dapat pagsamantalahan. Ang kabataan minamahal, hindi ibinebenta, niloloko at pinagkukwartahan. Like Jesus let us love the youth until the end.” Pagbabahagi ni Cardinal Tagle.

Ang pagmimisa sa pagtatakipsilim sa paghahapunan ng Panginoon ay isinagawa noong ika-18 ng Abril sa Basilica Menor ng Immaculada Concepcion sa Katedral ng Maynila.

Ang ritwal ng paghuhugas ng paa ay hindi lamang ginaya sa ginawa ng Panginoon kundi isang panawagan sa lahat na maglingkod sa pag-ibig.

Nagsimula ito noong kalagitnaan ng ika-limang siglo sa Jerusalem at pormal na naging bahagi ng liturhiya pagkatapos ng ikalawang konsilyo sa Vaticano.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 5,477 total views

 5,477 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 11,232 total views

 11,232 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 18,495 total views

 18,495 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 26,480 total views

 26,480 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 34,015 total views

 34,015 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Taong walang pananampalataya, hindi magkakamit ng kaligtasan

 38,734 total views

 38,734 total views Maringal na ipinagdiwang ng mananampalataya ang kapistahan ng mahal na birhen ng Santissimo Rosaryo La Naval de Manila sa kabila ng malakas na ulan at limitadong bilang ng maaaring makapasok sa simbahan noong ika-11 ng Oktubre 2020. Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng banal na misa sa National Shrine of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 38,517 total views

 38,517 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine of Mount Carmel, Broadway Avenue, New Manila, noong ika-15 ng Agosto sa gitna ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ito ay matapos igawad ng Santo Papa sa pamamagitan na

Read More »
Circular Letter
Veritas NewMedia

Circular Letter: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC

 38,512 total views

 38,512 total views Circular 2020 – 24 15 August 2020   TO: ALL CLERGY IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC   Dear Reverend Fathers: Greetings in the Lord! The parishes under the patronage of San Roque (Blumentritt, Pasay, Mandaluyong, Sampaloc) led by their pastors Reverend Fathers Antonio B. Navarete,

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

Joint Pastoral Message of CBCP ECS and ECCCE

 156,551 total views

 156,551 total views Lord What Must We Do? (Mark 10:17) Joint Pastoral Message on Covid19 to Teachers, Educators, Seminary Professors and Seminarians and the Catholic faithful at the opening of the school year Brothers and sisters in Christ: In the midst of the pandemic agitating us to restlessness and fear, we greet you “Peace be with

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao: WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE

 156,503 total views

 156,503 total views Bishop’s Pastoral Letter on the Suspension Of Public Masses From Aug. 3-14. Diocese of Cubao August 2, 2020 WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE My dear people of God in the Diocese of Cubao, In recent days, we have seen the alarming and sustained increase of Covid-19 cases in the country. Most

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Patuloy na magtiwala sa Diyos, sa kabila ng Covid-19

 38,685 total views

 38,685 total views July 17, 2020-12:48pm Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel noong ika-16 ng Hulyo sa Project 6, Quezon City. Inilarawan ng Obispo ang kapistahan na hindi pangkaraniwan sapagkat ang lahat ay nakasuot ng facemask, at pinananatili ang social distancing sa lahat ng mga dumalo

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

 38,584 total views

 38,584 total views July 16, 2020, 1:38PM Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City. Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko. Ito ay

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

CBCP Circular RE: LITURGICAL GUIDELINES IN “NEW NORMAL” CONDITION

 124,824 total views

 124,824 total views RECOMMENDATIONS AND GUIDELINES FOR THE LITURGICAL CELEBRATION IN “NEW NORMAL” CONDITION We need the Lord – the Bread of Life – in the Holy Eucharist! The Holy Eucharist is central and essential to the life of the Church and to the life of each individual believer. It is in this context that we

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sangguniang Laiko: Statement of Affirmation and Appeal

 38,409 total views

 38,409 total views Statement of Affirmation and Appeal Goodness is an Overflow of God’s Goodness to Us! The Sangguniang Laiko ng Pilipinas affirms and congratulates the Inter-Agency Task Force for its hard work and effort in stemming the tide of the Pandemic Virus. We are highly cognizant of the measures it has implemented to address the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 32,050 total views

 32,050 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from Episcopal Conferences, this Congregation now offers an update to the general indications and suggestionsalready given to Bishops in the preceding decree of 19 March 2020. Given that the date of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese ng Cubao, naglabas nang panuntunan sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

 29,491 total views

 29,491 total views March 26, 2020-2:18pm Naglabas na ng guidelines ang Diyosesis ng Cubao kaugnay sa nalalapit na mga Mahal na Araw, habang patuloy na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pandemic na Coronavirus Disease. Magiging simple ang lahat ng selebrasyon ng mga banal na misa at mananatili itong pribado, o hindi

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Banal na misa sa Diocese of Cubao, kanselado.

 29,509 total views

 29,509 total views Kanselado na ang mga banal na misa para sa publiko sa Diyosesis ng Cubao kaugnay sa patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19. Sa liham pastoral ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, inihayag nitong kinakailangang sundin ng simbahan ang Community Quarantine na ipatutupad ng pamahalaan. Simula bukas, araw ng Sabado, ika-14 ng Marso,

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Gawain sa Immaculate Conception cathedral of Cubao, suspendido ngayong kuwaresma.

 29,491 total views

 29,491 total views March 10, 2020, 10:41AM Pansamantalang ipagpapaliban ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang mga gawain nito ngayong kuwaresma bilang bahagi ng pag-ingat sa paglaganap ng Corona Virus Disease sa bansa. Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish priest ng katedral, napagpasyahan ng Parish Pastoral Council na ihinto muna ang Stations of the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Talikdan ang kasalanang sumisira sa buhay ng tao.

 29,517 total views

 29,517 total views February 22, 2020 2:58PM Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday. Ayon sa Obispo, ito ang hudyat ng mahaba at mahalagang paglalakbay ng mga mananampalataya para sa Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na pundasyon ng pananampalatayang

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sundin ang safety precautions sa COVID-19.

 29,415 total views

 29,415 total views Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops Conference of the Philippines laban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, hindi dapat ipagsawalang bahala ang banta sa kalusugan ng COVID-19 subalit hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top