2-libong drug addict, nakapagbagong buhay sa ilalim ng SUGOD program ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,111 total reads

Naniniwala ang Archdiocesan Commission on the Laity ng Archdiocese of Cebu na mahalagang tulungan ang mga nalulong sa bisyo na makapagbagong buhay.

Ayon kay Fe Barino ang chairperson ng komisyon ito ang layunin ng Surrender to God Recovery and Renewal Program o SuGOD ng arkidiyosesis na itinatag noong Agosto 2016 bilang pakikiisa ng simbahan sa malawakang kampanya kontra iligal na droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Barino na ang pagkalinga ng lipunan sa mga naligaw ng landas ay makatutulong sa mas mabilis na pagbabago ng mga sumailalim sa programa.

“The more that we involved them, to make them feel that they are part of us, the more that they will be encourage to help themselves na makabalik sa tamang landas,” pahayag ni Barino sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng opisyal na marami ang dumulog sa drug rehab program ng arkidiyosesis lalo’t ito’y libreng ipinagkakaloob sa tulong ng iba’t ibang sektor na sumuporta sa programa.

Makalipas ang limang taon ng programa mahigit na sa dalawang libong indibidwal ang natulungan na makabalik sa lipunan at pamilya.

Bukod sa spiritual nourishment ng mga drug surrenderers sumailalim din ito sa skills and livelihood training sa pamamagitan ng Durus Academy Program bilang konkretong hakbang sa tuloy-tuloy na pagbabago.

“Ini-improve namin ang SuGod program, binigyan namin sila ng skills training partikular sa constructions skills; as part of their recovery mayroon na silang trabaho,” ani Barino.
Malugod na ibinahagi ni Barino na humigit kumulang 100 drug surrenders na nagtapos sa Durus Academy Program ang sub-contractor ng isang kilalang land developer sa Cebu.

Aniya, mas mabilis nakatapos ng proyektong bahay ang mula sa programa kung saan pulido at dekalidad ang output ng grupo.

Personal na pinamahalaan ni Barino ang drug rehab program bilang bahagi ng kanyang adbokasiya ng tumulong sa nangangailangan sa lipunan at pagsasabuhay na rin sa misyon bilang kristiyano.

“I feel so blessed, this is a divine intervention, the gift of Christianity that God has given us especially during this time that we are celebrating 500YoC,” saad pa ni Barino.
Samantala, sinabi pa ni Barino na makatutulong din ang drug rehab program sa isinasagawang pre-synodal consultations ng simbahan sapagkat maraming kwento ng karanasan ang maibabahagi ng mga nalulong sa bisyo.

Apela nito sa mamamayan na ipakita ang habag at awa sa mga naligaw ng landas sa halip na kundenahin sapagkat kailangan nila ang tulong ng lipunan upang makapagbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 27,166 total reads

 27,166 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 77,531 total reads

 77,531 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 210,696 total reads

 210,696 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 296,078 total reads

 296,078 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 358,170 total reads

 358,170 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top