Irigasyon para sa mga sakahan sa Mindanao – panawagan ng obispo sa gobyerno

 37 total views

‘Bigyan ng sapat na patubig at irigasyon ang mga sakahan sa Mindanao.’

Ito ang naging panawagan sa pamahalaan ni Diocese of Iligan Bishop Elenito Galido matapos isailalim sa state of calamity ang ilang siyudad at lalawigan sa Mindanao dahil sa matinding epekto ng El Niño.

Ayaon sa obispo, ramdam na ng mga magsasaka ang gutom dahil sa pagkalugi ng kanilang lupang sakahan at walang mapagkukunan ng mapagkakakitaan.

“Yung sa mga rice field uneven na yung distribution ng irrigation dahil kumukulang na yung tubig. Yung kinakailangan dun siguro kung ano yung maitulong ng gobyerno para mabigyan ng subsidy yung power. Kasi kailangan nila ng pera para ma – sustain yung farm nila pero pagkatapos na yan ng init,” bahagi ng pahayag ni Bishop Galido sa Radyo Veritas.

Nabatid na umabot na sa P800 milyong piso ang halaga ng pinsala sa mga pananim sa Northern Mindanao habang nasa P4.77 bilyon sa buong bansa ang pananalasa ng El Niño

Pinakamalaki ang pinsala sa mga pananim na mais at ito ay nasa P615 milyong piso.

Isa sa epekto ng climate change ang El Niño.

Nauna na ring nanawagan si Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo sa pamahalaan na simulan na ang “cloud seeding” partikular sa mga lugar na matinding naapektuhan ng tag–tuyot



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe to us and receive latest News & Updates in your inbox