Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagmimisyon ng mga kandidato, dapat maging katulad ng pagmimisyon ni Hesus

SHARE THE TRUTH

 209 total views

Dapat matulad sa pagmimisyon ni Hesus na mayroong hirap at pasakit ang pagmimisyon na ninananais ng mga kandidato na maging lider ng bansa.

Ayon sa kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Arsobispo ng Maynila, maging ang mundo ng pulitika ngayon ay punong-puno ng siraan at pang-aapak sa kapwa matupad lamang ang ambisyon na maluklok sa kapangyarihan.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang hangarin ng mga pulitiko ay ibang-iba sa pagtupad ng misyon ni Hesus na may paghihirap, pagdurusa at pagsasakripisyo upang makapaglingkod ng tapat sa sangkatauhan.

“Nakakalungkot, mukhang ganyan din ang takbo ng ating pulitika. Sige siraan na lang, totoo man o hindi bahala na basta mapabagsak mo yung isa at pagbagsak mo yung isa, tataas ka, natupad na! naganap na! Uhaw na uhaw sa posisyun, uhaw na uhaw sa tagumpay, uhaw na uhaw sa kayabangan!” pahayag ni Cardinal Tagle.

Iginiit ni Cardinal Tagle na ang pagmimisyon na may pagkauhaw sa tagumpay at kayabangan ay magpapahamak sa atin hindi tulad ni Hesus na tumupad ng misyon na may kaakibat na pagsasakripisyo at pagpapaalipin sa ngalan ng paglilingkod.

“Ang tumutupad sa misyun na makamundo magpapahamak hindi magliligtas. Pero nakakalimutan mauhaw sa misyun ayon sa Diyos, hindi misyon na dinidikta ng misyon, tanging ang nauuhaw at tumutupad sa misyon galing sa Diyos ang makapagliligtas,” pagninilay ni Cardinal Tagle

Pinaalalahan din ng Kanyang Kabunyian ang mga taong gumagamit sa Diyos upang pahirapan at pagsamatalahan ang kahinaan ng kapwa.

“Ang medyo nakalulungkot nga rin po may ibang mapagsamantala na ginagamit ang paghihirap ni Hesus para paghirapin ang kanilang kapwa. At sasabihin yan tularan mo si Hesus. Mga kumpanya na hindi ibibinigay ang tamang pasuweldo sa kanilang mga empleyado at habang naghihirap ang empleyado sasabihin ng boss okey yan nakikiisa ka sa pagahihirap ni Hesus. Mga babae na pinagsasamantalahan, binubusabos at pagkatapos sasabihan sila, tanggapin mo na lang yan napapalapit ka kay Hesus. Mag-ingat po tayo, hindi tinuro sa atin na tayo ay magbigay ng pagdurusa at paghihirap sa iba at gagamitin natin si Hesus. Si Hesus ay hindi nagpahirap ng kapwa,” pahayag pa ng Kardinal

Samantala, ang Simbahang Katolika ay nasa loob pa rin ng pagdiriwang ng taon ng awa at habag ng Diyos kung saan katatapos lamang ipagdiwang at gunitain ang mahal na araw, ang 40-araw na pag-aayuno para sa paghihirap sa krus, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na siyang sandigan ng pananampalatayang katoliko sa buong mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 8,806 total views

 8,806 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 17,042 total views

 17,042 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 25,024 total views

 25,024 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 33,467 total views

 33,467 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 41,238 total views

 41,238 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 36,751 total views

 36,751 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 36,761 total views

 36,761 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 36,778 total views

 36,778 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top