4 na bagong fault zone sa kanlurang bahagi ng Luzon, natuklasan ng UP at Taiwan University

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,951 total views

Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa University of the Philippines (UP) at National Central University sa Taiwan ang apat na bagong fault zone sa ilalim ng karagatan sa kanlurang bahagi ng Luzon na makatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman sa mga panganib ng lindol at tsunami sa bansa.

Batay sa pag-aaral na inilathala sa Journal of Asian Earth Sciences, ang apat na fault zone ay pinaniniwalaang mga sangay ng Philippine Fault Zone, isa sa mga pangunahing fault system na may kaugnayan sa paggalaw ng lupa at pagyanig sa Pilipinas.

Gamit ang high-resolution seafloor maps at seismic profiles, natukoy ng mga mananaliksik ang mga fault sa ilalim ng dagat sa kanluran ng Luzon, kabilang ang isang fault branch na posibleng direktang nakakonekta sa Manila Trench, isang malalim na trench sa West Philippine Sea sa kanlurang bahagi ng Luzon na maaaring pagmulan ng malalakas na lindol at tsunami.

Natuklasan din sa pag-aaral na nagkakaroon ng tinatawag na slab tearing o pagkakabiyak ng lumulubog na tectonic plate sa ilalim ng Central Luzon, na iniuugnay sa magkasabay na paggalaw ng Palawan Microcontinental Block at Benham Rise.

Ayon sa mga mananaliksik, mahalaga ang pagkakatukoy sa mga bagong fault zone upang higit na mapahusay ang pagtataya sa mga seismic hazard at mapalakas ang paghahanda ng mga pamayanan laban sa posibleng malalakas na lindol at tsunami sa hinaharap.

Patuloy namang ipinapanalangin ng simbahan ang kaligtasan ng bawat pamayanan at ang pagkakaroon ng karunungan upang mapaghandaan at mabawasan ang epekto ng mga kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 2,480 total views

 2,480 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 30,831 total views

 30,831 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 98,561 total views

 98,561 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 121,712 total views

 121,712 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 191,666 total views

 191,666 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top