444th anniversary ng pagiging diocese ng Manila, pinangunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,039 total reads

Mananatiling masigla ang simbahang tumutugon sa pangangailangan ng nasasakupang kawan.

Ito ang binigyang diin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa misang ginanap para sa ika – 444 anibersaryo ng pagiging Diyosesis ng Maynila, ang kauna-unahang diyosesis ng Pilipinas.

Ayon sa cardinal mahalagang maging bukas sa mga pagbabago ang simbahan upang mapagtibay ang paglilingkod sa mananampalataya.

“A church that is not open to renewal easily grows old, insignificant and obselete but a church that is docile, responsive and open to renewal remains ever young and vibrant,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula.

Sinabi ng punong pastol ng Maynila na mabilis tumanda ang simbahang takot sa mga pagbabago at mananatili ang mga nakaugalian gayundin ang mga namumuno rito.

Hamon ni Cardinal Advincula sa mananampalataya na suriin ang mga parokya, pamayanan at institusyong kinabibilangan kong naging bukas ito sa pagtanggap ng mga bagong ideya na makatutulong mapalago ang pagmimisyon bilang simbahan.

Nagpasalamat si Cardinal Advincula sa mamamayan na bagamat mahigit na sa apat na sentenaryo ang arkidiyosesis mula nang maihiwalay sa Mexico noong February 6, 1579 ay naging bukas ito sa pagbabago tungo sa pag-unlad ng simbahan.

Tinukoy ng arsobispo ang mga pagbabagong kanyang ipinatupad mula nang maitalaga sa arkidiyosesis tulad ng pagtatatag ng mission stations sa mga pamayanan gayundin ang team ministries na nangangasiwa sa mga parokya.

Kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ay pormal na isinara ng arkidiyosesis ang Jubilee Door ng Manila Cathedral tanda ng pagtatapos sa yearlong celebration ng 500 Years of Christianity ng Archdiocese of Manila.

Inihayag ng cardinal na nakatanggap ng plenary indulgence ang mga dumalo sa pagtitipon kaakibat ng pagsunod sa mga alituntunin.

Dumalo sa pagdiriwang si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, mga pari ng arkidiyosesis, mga relihiyoso at mga layko.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 4 total reads

 4 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,999 total reads

 23,999 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,804 total reads

 8,804 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 49,364 total reads

 49,364 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,866 total reads

 76,866 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 125,131 total reads

 125,131 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,874 total reads

 146,874 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top