5-buwang online rosary, inilunsad ng San Pablo cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 509 total views

Naglunsad ang Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit sa Diocese of San Pablo ng limang buwang online rosary initiative upang ipanalanging mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Msgr. Jerry Bitoon – Rector at Parish Priest ng Cathedral Parish of St. Paul the First Hermit o San Pablo Cathedral, layunin nito na higit na lumapit at ipanalangin ang pamamagitan at pagsaklolo ng Mahal na Birheng Maria upang mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

Inilunsad ng katedral ang “PRAYING WITH MARY: An Online Rosary to End the Pandemic” kasabay ng Feast of Our Lady of Fatima noong ika-13 ng Mayo na magtatagal hanggang sa ika-13 ng Oktubre, 2021.

“Naglunsad po ang Cathedral ng San Pablo ng PRAYING WITH MARY [Online Rosary initiative], nagsimula kami ng May 13 and magpapatuloy ito hanggang October 13 parang gusto naming maramdaman si Mama Mary who’s always been an expert in ang tawag namin expert siya sa pagsaklolo sa mga crisis, so ngayon ay humaharap tayo sa crisis [COVID-19 pandemic] at nagpapatuloy ito so kailangan nating pumunta dun sa dalubhasa kung paano mag-deal sa crisis…” pahayag ni Msgr. Bitoon sa panayam sa Radio Veritas.
Nakatakda ang sabay-sabay na pananalangin ng Santo Rosaryo sa pamamagitan ng Zoom tuwing ganap na alas-otso ng gabi kung saan inaanyayahan ni Msgr. Bitoon ang lahat na makibahagi sa gawain.

Ayon sa pamunuan ng katedral, bukas ang gawain para sa lahat ng nais na makibahagi sa pananalangin ng Santo Rosaryo kung saan maaring makuha ang iba pang mga detalye tulad ng Zoom Meeting ID at password sa official facebook page ng Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit.

“Inaanyayahan naming kayo tuwing gabi 8 o’clock online ito po ay via Zoom, ang ZOOM ID po namin is 914 4433 242 ang password is Cathedral, join us in this PRAYING WITH MARY.” Paanyaya ni Msgr. Bitoon.

Una na ring inilunsad ng Kanyang Kabanalan Francisco ang month-long Rosary Marathon ngayong buwan ng Mayo kung saan inaanyayahan ang lahat ng mga dambana partikular na ang mga nasa pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria o mga Marian Shrine sa buong mundo upang palaganapin ang pagdarasal ng Santo Rosaryo.

 

[smartslider3 slider=22]

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 58,271 total views

 58,271 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 58,271 total views

 58,271 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 58,271 total views

 58,271 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 56,482 total views

 56,482 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 51,586 total views

 51,586 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top