Caritas Philippines, umaapela ng suporta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,746 total reads

Umaapela ng suporta ang Caritas Philippines para sa mga programa nito bilang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Sa pamamagitan ng isang video message, nanawagan ng tulong si Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng Caritas Philippines para sa mga programa ng institusyon na layuning makatulong sa bawat mamamayang nangangailangan.

Tinukoy ng Obispo ang Alay Kapwa Program ng Simbahan na laging handang tumulong at tumugon sa mga pangangailangan ng bawat mamamayan na naapektuhan hindi lamang ng mga kalamidad kundi lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Inaanyayahan ko po kayo na samahan kami at makiisa po sa aming mga programa na makatulong sa ating maraming mga kababayang naghihirap. Sa pamamagitan ng ating Alay Kapwa Program, pagkain po ay ating naiaabot sa maraming nagugutom, sa panahon ng kalamidad gaya ng bagyo, lindol at iba pang paghihirap sa buhay ng ating mga kapatid ang Alay Kapwa Program ng ating Simbahan ay laging handang tumulong at tumugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.”panawagan ni Bishop Bagaforo

Ipinaalala ng Obispo na bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang pagbibigay ng pag-asa sa kapwa sa pamamagitan ng pakikiisa at pagtulong sa oras ng pangangailangan.

Sinabi ni Bishop Bagaforo na ang pagtulong sa mga nangangailangan ay bahagi ng pananagutan sa kapwa at pagsisilbing daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon.

“Mahal kong mga kababayan kung tayo ay may pananampalataya, nagkakaisa at nagtutulungan lahat ay kaya natin. Bigyan po natin ng bagong pag-asa ang iba nating mga kapatid lalong lalo na ang mga naghihirap, ang mga biktima ng mga maraming mga kalamidad. Ngayong panahon ng pandemya, bukas palad po ang Alay Kapwa handang tumulong sa ating mga kapatid, kapwa ko pananagutan ko.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Kabilang sa naging pagtugon ng Caritas Philippines ngayong panahon ng pandemya ay ang paglalaan ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 5-milyong piso sa mga Kindness Stations o community pantries ng mga Social Action Centers ng 50-diyosesis sa Luzon, Visayas at Mindanao na higit na naisakatuparan dahil sa pinagsama-samang donasyon ng bawat isa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 33,849 total reads

 33,849 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 61,960 total reads

 61,960 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 99,336 total reads

 99,336 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 130,604 total reads

 130,604 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 203,672 total reads

 203,672 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 294,907 total reads

 294,907 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 29,295 total reads

 29,295 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top