Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inaanyayahan sa “Online New Evangelization Conference 2021”.

SHARE THE TRUTH

 462 total views

Manila,Philippines — Nagpaabot ng pagbati si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo para sa ika-sampung anibersaryo ng Live Christ Share Christ Mission na isang Lay Catholic response sa panawagan ng Simbahan na pagpapalaganap ng ebanghelisasyon.

Ayon sa Obispo, napakahalaga ng ambag ng Live Christ Share Christ Mission sa pagbabahagi at pagpapalaganap ng ebanghelyo sa gitna ng panahon na nakararanas ang marami ng kawalan ng katiyakan dulot ng pandemya.

Nagpahayag naman ng suporta si Bishop Pabillo sa inihandang online New Evangelization Conference 2021 ng Live Christ Share Christ mission na hindi lamang nakatutok sa ika-sampung anibersaryo ng institusyon kundi sa patuloy na paggunita sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

“Ang Live Christ Share Christ mission is a Lay Catholic response to the call to evangelization at lalong lalo na ngayong panahon ng pandemic. Kailangan po nating palakasin ang ating evangelization kasi marami po ay naghahanap ng mga sagot sa maraming tanong na lumalabas ngayong panahon ng pandemic kaya ang Live Christ Share Christ mission ay nag-iimbita po sa lahat to take part in the New Evangelization Conference 2021 because of the 10th anniversary of the Live Christ Share Christ mission and because of the 500 years of Christianity.”paanyaya ni Bishop Pabillo

Inihayag ng Obispo na naaangkop ang layunin ng nakatakdang New Evangelization Conference 2021 lalo na sa gitna ng patuloy na paggunita sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa ngayong panahon ng pandemya upang higit pang maipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano.

Iginiit ni Bishop Pabillo na napapanahon ang pagtitipon upang magsilbing gabay sa panunumbalik ng pananampalataya sa mga Kristiyanong naligaw ng landas at nawalan ang pananampalataya sa Panginoon.

“Kaya ang layunin po ng New Evangelization Conference is to encourage Catholics to proclaim our gift of faith by reaching out to our brothers and sisters and to help especially those Catholics who have lapsed from the faith, yung mga nawala na po sa pananampalataya ibalik natin sila uli sa buhay ng pananampalataya, sa buhay ng Diyos.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Nakatakda ang online New Evangelization Conference 2021 ng Live Christ Share Christ mission sa ika-21 hanggang ika-23 ng Mayo na may temang “Gifted to Give by being a Light to the World”.

Tampok sa kumprehensiya ang iba’t-ibang inspirational talks, worhips sessions, prayer sessions, workshops, at pagbabahagi ng mga patotoo ng ilang mga piling taga-pagsalita.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 277 total views

 277 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 8,593 total views

 8,593 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 27,325 total views

 27,325 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 43,910 total views

 43,910 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 45,174 total views

 45,174 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 4,978 total views

 4,978 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 30,204 total views

 30,204 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 30,893 total views

 30,893 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top