5-buwang online rosary, inilunsad ng San Pablo cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 551 total views

Naglunsad ang Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit sa Diocese of San Pablo ng limang buwang online rosary initiative upang ipanalanging mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Msgr. Jerry Bitoon – Rector at Parish Priest ng Cathedral Parish of St. Paul the First Hermit o San Pablo Cathedral, layunin nito na higit na lumapit at ipanalangin ang pamamagitan at pagsaklolo ng Mahal na Birheng Maria upang mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

Inilunsad ng katedral ang “PRAYING WITH MARY: An Online Rosary to End the Pandemic” kasabay ng Feast of Our Lady of Fatima noong ika-13 ng Mayo na magtatagal hanggang sa ika-13 ng Oktubre, 2021.

“Naglunsad po ang Cathedral ng San Pablo ng PRAYING WITH MARY [Online Rosary initiative], nagsimula kami ng May 13 and magpapatuloy ito hanggang October 13 parang gusto naming maramdaman si Mama Mary who’s always been an expert in ang tawag namin expert siya sa pagsaklolo sa mga crisis, so ngayon ay humaharap tayo sa crisis [COVID-19 pandemic] at nagpapatuloy ito so kailangan nating pumunta dun sa dalubhasa kung paano mag-deal sa crisis…” pahayag ni Msgr. Bitoon sa panayam sa Radio Veritas.
Nakatakda ang sabay-sabay na pananalangin ng Santo Rosaryo sa pamamagitan ng Zoom tuwing ganap na alas-otso ng gabi kung saan inaanyayahan ni Msgr. Bitoon ang lahat na makibahagi sa gawain.

Ayon sa pamunuan ng katedral, bukas ang gawain para sa lahat ng nais na makibahagi sa pananalangin ng Santo Rosaryo kung saan maaring makuha ang iba pang mga detalye tulad ng Zoom Meeting ID at password sa official facebook page ng Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit.

“Inaanyayahan naming kayo tuwing gabi 8 o’clock online ito po ay via Zoom, ang ZOOM ID po namin is 914 4433 242 ang password is Cathedral, join us in this PRAYING WITH MARY.” Paanyaya ni Msgr. Bitoon.

Una na ring inilunsad ng Kanyang Kabanalan Francisco ang month-long Rosary Marathon ngayong buwan ng Mayo kung saan inaanyayahan ang lahat ng mga dambana partikular na ang mga nasa pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria o mga Marian Shrine sa buong mundo upang palaganapin ang pagdarasal ng Santo Rosaryo.

 

[smartslider3 slider=22]

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 101,320 total views

 101,320 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 131,544 total views

 131,544 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 158,192 total views

 158,192 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 253,165 total views

 253,165 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 267,608 total views

 267,608 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top