Cardinal Advincula, humiling ng panalangin sa pagiging mabuting pastol ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total reads

Humiling ng patuloy na panalangin si Archdiocese of Manila Archbishop – elect Jose Cardinal Advincula sa mananampalataya ng pagiging mabuting pastol sa kawan ng Diyos na itinalaga sa kanyang pangangalaga.

Ito’y kaugnay sa nakatakdang paggawad sa Cardinal ng ‘red hat o biretta’ sa Mayo 28, 2021.

Itinuring ni Cardinal Advincula na malaking hamon at responsibilidad ang pagkakatalagang Cardinal ng simbahan at pinunong pastol sa isa pinakamalaking arkidiyosesis sa bansa.

Gaganapin ang paggawad sa red hat at singsing ng Cardinal sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedral sa Roxas City sa pangunguna ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

 

[smartslider3 slider=22]

 

Sa pahayag ng arkidiyosesis limitado lamang sa 300 katao na binubuo ng mga kaanak, mga pari, kinatawan ng 67 parokya at mga obispo ng karatig lalawigan ang pinahintulutang makadalo sa pagtitipon alinsunod na rin sa community quarantine status ng lalawigan.

Sa kabila ng kahandaan, maaring makansela ang nakatakdang pagtanggap ni Cardinal Advincula ng red hat depende sa magiging travel restrictions kay Papal Nuncio Archbishop Brown.

Nabatid ng Radio Veritas na tatanggapin ni Archbishop Advincula ang “red hat” sa Manila Cathedral sakaling makansela ang kaganapan sa May 28, 2021.

Magugunitang Oktubre 2020 isa si Cardinal Advincula sa 13 Cardinal na hinirang ni Pope Francis.

Dahil sa mga travel restrictions dulot ng COVID 19 pandemic hindi nakadalo so Cardinal Advincula sa isinagawang consistory sa Roma na pinangunahan ng santo papa.

Si Cardinal Advincula ang ikasiyam na Cardinal ng Pilipinas kasunod nina Cardinal Orlando Quevedo, Luis Antonio Tagle, Gaudencio Rosales, Jose Sanchez, Ricardo Vidal, Jaime Sin, Julio Rosales at Rufino Santos.

Marso 2021 itinalaga ang arsobispo bilang ika – 33 pinuno ng Arkidiyosesis ng Maynila makaraang italaga ni Pope Francis si Cardinal Tagle bilang Prefect ng Congregation for the Evangelizations of Peoples sa Vatican.

Sa siyam na Cardinal ng Pilipinas bukod tanging si Cardinal Advincula at Cardinal Tagle na lamang ang kabilang sa Cardinal electors ng conclave.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 35,387 total reads

 35,387 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 64,128 total reads

 64,128 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 101,504 total reads

 101,504 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 132,772 total reads

 132,772 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 205,682 total reads

 205,682 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 296,782 total reads

 296,782 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 35,388 total reads

 35,388 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top