50 golden jubilee, ipinagdiwang ng Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 618 total reads

Biyaya at grasya ng Espiritu Santo ang nagpatibay sa Diyosesis ng San Pablo, Laguna sa nakalipas na limampung taon.

Ito ang inihayag ni San Pablo Bishop Ben Famadico kaugnay sa maringal na pagtatapos ng Diocesan Golden Jubilee Celebration noong ika-30 ng Nobyembre.

Ayon sa Obispo, maraming pagsubok ang kinaharap ng Diyosesis sa nakalipas na limang dekada at hindi magiging posible ang kanilang paglalakbay kung wala ang pangpupunyagi ng mga obispo at mananampalataya lalo’t higit ang paggabay ng Espiritu Santo.

“Katulad ng lahat ng diyosesis, kami ay naglalakbay at ang paglalakbay na ito ay sa patungo buhay-pananamplataya at kailangan natin ang tulong at liwanang ng Espiritu Santo, “ pahayag ni Bishop Famadico.

Ibinahagi rin ni Bishop Famadico na bago lumago sa 87 mga parokya sa diyosesis ay nagsimula muna ito bilang maliit na komunidad ng mga Kristiyano.

“Nagsimula kami na kakaunti ang mga parokya, kakaunti ang mga pari pero ngayon ay dumami na ‘yan sa tulong ng mga Obispo na naging bahagi nitong aming Diyosesis at ang lahat ng ito ay aming pinagpapasalamat,” dagdag ng Obispo.

Kasabay ng pagdiriwang ng banal na misa ay isinagawa rin ang pormal na pagsasara ng Jubilee Door ng Saint Paul the First Hermit Cathedral na dinaluhan ng mahigit sa isang daang mga pari, mga Obispo mula sa karatig lalawigan gayundin si Apostolic Nuncio to the Philippines Gabriele Giordano Caccia.

Kasunod nito ay idinaos naman ang Grand Jubilee Procession na kinatampukan ng 87 mga karosa at imahen kabilang na ang mapaghimala at dinadarayong Nakahimlay na Kristo sa Libingan o mas kilala bilang ‘Lolo Uweng’ at ang Nuestra Señora delos Dolores de Turumba.

Sumentro sa temang Pagpapasalamat, Pagpapalaganap at Paghahangad ang selebrasyon na sumasalamin sa naging tatlong taong paghahanda ng Diocese of San Pablo para sa kanilang ginutuang hubileyo.

Bagamat bumuhos ang malakas na ulan sa kalagitnaan ng pagdiriwang ay hindi natinag ang nasa mahigit 8-libong mananampalataya sa labas ng katedral na nagpapatunay lamang ng kanilang matibay na debosyon kay San Pablo.

Itinatag noong ika-28 ng Nobyembre 1966 ni Beato Papa Pablo VI, ang Diocese of San Pablo sa kasalukuyan ay binubuo ng 2.8 milyong katoliko.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 6,753 total reads

 6,753 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 184,754 total reads

 184,754 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 216,485 total reads

 216,485 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 318,309 total reads

 318,309 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 358,866 total reads

 358,866 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 371,918 total reads

 371,918 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 280,848 total reads

 280,848 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 397,995 total reads

 397,995 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top