Expose sa madugong operasyon ng Manila police, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 416 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat sa international media organization na Reuters si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity sa paglalabas nito ng special report na naglalaman ng CCTV footage ng mga naganap sa operasyon ng 15-pulis Maynila sa Barangay 19 Tondo Manila noong ika-11 ng Oktubre.

Ayon sa Obispo, ang ginawang paglalabas ng Reuters sa naturang video na isang malakas na ebidensya sa marahas na implementasyon ng mga pulis sa kampanya laban sa illegal na droga ay isang pagpapakita ng paninindigan sa tapat na pamamahayag upang mailabas ang katotohanan.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo na hindi katanggap-tanggap at nakakagalit ang patuloy na pagpatay at marahas na operasyon ng mga pulis laban sa mga pinaghihinalaan pa lamang na mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot ng hindi dumadaan sa tamang proseso ng batas.

“salamat sa special report ng Reuters kasi dito pinaninindigan ng mga mamamahayag ang paghahanap ng katotohanan at sana makita na natin nandiyan ang ebidensya, nandiyan yung video na talagang pagpapatay ng mga pulis at yan ay talagang nakakagalit, patuloy pa rin pala yung pagpapatay ng mga pulis sa mga pinaghihinalaan hindi pa totoo na sila ay mga adik na basta na lang pinapatay at ang sinasabi pang nanlaban at yan ay isang talagang pahayag na hindi totoo yung sinasabi nilang nanlaban kasi talagang pinatay sila…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Nangyari ang insidente noong ika – 11 ng Oktubre sa Barangay 19, Tondo Manila isang araw matapos na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat na sa pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga operasyon kontra illegal na droga.

Sa inilabas na video ng Reuters makikita ang pagdating ng 15 kagawad ng Manila Police District kung saan matapos na mapaalis ang mga tao na nasa eskinita ay saka naganap ang engkwentro kung saan makikita ang pagbagsak ng isa sa mga hinihinalang drug user.

Bukod dito, lumabas rin sa isinapublikong video ng Reuters na hindi nagtutugma ang pahayag ng mga pulis na agad nilang isinugod sa ospital ang mga suspect na taliwas sa nasa video na nagpapakita na umabot pa ng halos 25-minuto bago isinakay ng mga pulis ang katawan ng tatlo sa isang pedeicab at isinugod sa ospital.

Samantala umapela narin sa pamunuan ng Philippine National Police ang Commission on Human Rights upang bigyan ng naangkop na pagtugon sa marahas na operasyon ng 15-pulis Maynila sa Barangay 19 Tondo Manila na nakuhanan ng CCTV Camera.

Ayon kay Atty. Jacqueline Ann De Guia – tagapagsalita ng CHR dapat na matiyak ng PNP na hindi maiimpluwensyahan ng mga pulis na sangkot sa insidente ang isinasagawang imbestigasyon upang mabigyang katarungan at malaman ang katotohanan sa pagkakapatay sa tatlong pinaghihinalaang drug user sa lugar.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 6,755 total reads

 6,755 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 184,756 total reads

 184,756 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 216,487 total reads

 216,487 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 318,311 total reads

 318,311 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 358,868 total reads

 358,868 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 371,920 total reads

 371,920 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top