Diwa ng pagbibigayan, binuhay ng Caritas Margins Buy and Give Expo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 467 total reads

Binuhay ng isinagawang Caritas Margins Buy and Give Expo 5 ang diwa ng pagbibigayan ng mga Filipino.

Ayon kay Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco, magandang pagkakataon ang ginanap na expo upang tupdin ang tunay na mensahe ng kapaskuhan na magbigayan habang tinutulungan ang mga kapwa na naisasantabi at higit na nangangailangan.

“Ating ini-uugnay ang pasko sa pagbibigayan dahil unang nagbigay ang Diyos. Binigay Niya ang Kanyang pinakamahalagang anak sa atin. Sana ganun din ang ating maging attitude, ang mahahalagang bagay na kung minsan ating hinahawakan at ayaw bitiwan doon masusubukan ang ating generosity, reach out to the poor and enrich other people’s lives by our gift-giving,” pagbabahagi ni Bishop Ontioco.

Idinagdag pa ni Bishop Ontioco na ang pagtangkilik sa mga dekalidad na produkto sa Buy and Give Expo ay nangangahulugan din ng pagtulong tungo sa pagpapanibago ng buhay ng mga taong nasa laylayan ng lipunan.

Katuwang ng Caritas Margins ang mahigit sa 70 micro-entrepreneur mula sa iba’t ibang marginalized community sa bansa kung saan habang naipagbibili ang kanilang mga obra ay natutulungan din nito ang nasa 5-libong scholars ng Caritas Manila sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP.

Mabibili sa 3-day Buy and Give Expo ang mahigit sa 1000 uri ng mga produkto tulad ng handicrafts, religious items, home decorations, artworks, Baguio organic vegetables at mga piling pagkain na gawa ng partner communities, out-of-school youth at mga bilanggo.

Dumalo sa pagpapasinaya ng benefit project sina dating Finance Secretary at Philippine Veterans Bank Chairman Roberto de Ocampo at Caritas Manila Benefactors Emily Cruz, Hortie Lim at Nena Prieto.

Isinagawa ang ekshibisyon ng livelihood program ng Caritas Manila sa Sunken Activity Center, Glorietta 3, Makati City mula ika-1 hanggang ika-3 ng Disyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 12,458 total reads

 12,458 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 93,997 total reads

 93,997 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 195,723 total reads

 195,723 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 232,511 total reads

 232,511 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 262,554 total reads

 262,554 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 192,597 total reads

 192,597 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 341,847 total reads

 341,847 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top