62nd founding anniversary, ipinagdiwang ng Diocese of Cabanatuan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,504 total views

Ipinagdiriwang ng Diyosesis ng Cabanatuan, Nueva Ecija ang ika-62 anibersaryo ng pagkakatatag sa bisa ng Apostolic Constitution Cum Tempore Maturare ni Pope Saint John XXIII.

Itinuturing na makasaysayang yugto, ang pagkakatatag sa diyosesis ay naging hudyat ng opisyal na paglilingkod ng Simbahan sa lalawigan ng Nueva Ecija, sa pamamagitan ng pastoral na pangangalaga, ebanghelisasyon, at panlipunang pagbabago.

Sa loob ng anim na dekada, lumago ang diyosesis sa patnubay ng mga naging obispo, mga pari, relihiyoso’t relihiyosa, at mga laykong tapat sa misyon.

“From humble beginnings, it has become a vibrant and dynamic faith community, home to numerous parishes, mission areas, schools, and apostolic ministries that continue to bring Christ’s message to life,” ayon sa Diyosesis ng Cabanatuan.

Kabilang sa mga naglingkod bilang pastol ng diyosesis ay sina Bishop Mariano Gaviola—ang kauna-unahang obispo ng Cabanatuan, na nagpastol mula March 8, 1963 hanggang sa pagbibitiw noong May 31, 1967; sinundan ni Bishop Vicente Reyes mula August 8, 1967 hanggang April 7, 1983; Bishop Ciceron Tumbocon na naglingkod mula April 7, 1983 hanggang sa kanyang pagpanaw noong November 11, 1990; at si Bishop Sofio Balce na namuno hanggang June 25, 2004.

Humalili naman si Bishop Sofronio Bancud, SSS na nanungkulan mula November 6, 2004 hanggang sa kanyang pagreretiro noong December 8, 2024.

Sa kasalukuyan, pinamumunuan ang diyosesis ng ika-anim na obispo nito na si Bishop Prudencio Andaya Jr., CICM na naitalaga noong February 3, 2025.

“This celebration is not just a remembrance of the past, but a renewal of our shared commitment to walk together in synodality—building a Church that listens, accompanies, and serves with love,” dagdag ng diyosesis.

Itinatag ni Pope John XXIII ang Diyosesis ng Cabanatuan noong February 16, 1963 sa pamamagitan ng apostolic letter na “Exterior Ecclesiae”, na nagtakda ng paghihiwalay ng lalawigan ng Nueva Ecija mula sa mga dating nasasakupan ng noo’y Diyosesis ng Lingayen-Dagupan at ng Diyosesis ng San Fernando.

Makalipas ang ilang buwan, noong June 3, 1963, opisyal na naitatag ang diyosesis, at June 4 naman inordinahan at iniluklok si Bishop Gaviola bilang kauna-unahang obispo ng Cabanatuan.

Itinalaga naman ang diyosesis sa ilalim ng pamimintuho kay San Nicolas de Tolentino at ng Mahal na Birhen Divina Pastora.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 27,067 total views

 27,067 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 77,081 total views

 77,081 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 72,950 total views

 72,950 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 108,620 total views

 108,620 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 115,678 total views

 115,678 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top