6,644 total views
Kinilala ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang makakalikasang proyekto ng bayan ng Sikatuna, Bohol bilang makabuluhang hakbang tungo sa pagkalinga sa kalikasan at pagbibigay ng pag-asa para sa susunod na henerasyon.
Ito ang Sikatunarra, na pinagsamang pangalan ng bayan ng Sikatuna at ng Narra—ang Pambansang Puno ng Pilipinas—na naglalayong magtanim ng daan-daang libong puno ng Narra upang gawing malawak na Tree Park ang mga bakanteng lupain sa bayan.
“This park is not only a future tourist destination; it is a beacon of climate action. At a time when the Earth groans under the weight of global warming, Sikatunarra stands tall as a grassroots answer to a global crisis. Every Narra tree planted is a living prayer for cleaner air, cooler temperatures, and restored biodiversity. Every sapling is a step closer to healing our planet,” pahayag ni Bishop Uy.
Bukod sa pagiging eco-tourism destination sa hinaharap, layon ng proyekto na maging daluyan ng pagkakaisa ng pamayanan at pagbibigay-halaga sa kalikasang bahagi ng kulturang Pilipino.
Nagpasalamat din si Bishop Uy sa pamunuan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Justiniana Ellorimo sa dedikasyon at pananalig na isulong ang proyektong magsisilbing pamana ng bayan sa hinaharap.
“In time, this Tree Park will not only be a green crown for Bohol, but a proud legacy of Sikatuna—a town that dared to dream big and act boldly for the sake of nature and nation. Sikatunarra is where heritage takes root, and where the future grows—leaf by leaf, tree by tree, with every heart that believes,” dagdag ni Bishop Uy.
Sa Laudate Deum, inihayag ni Pope Francis ang higit na pagpapaigting sa magkatuwang na pagkilos at pagtugon ng mamamayan at pamahalaan upang mapangalagaan ang nag-iisang tahanan mula sa epekto ng nararanasang climate crisis