Pamumutol ng puno sa ngalan ng urban development, ikinababahala ng LLS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,473 total reads

Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Living Laudato Si’ (LLS) Philippines sa patuloy na pagputol ng mga puno sa Metro Manila para sa proyektong pang-imprastraktura at urban development, kasunod ng pagkawala ng mahigit 600 puno sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa grupo, hindi simpleng usapin ng kapaligiran ang pagkawala ng mga malalaking puno kundi isang usapin ng katarungang pangklima, pampublikong kalusugan, at dignidad ng mamamayan, lalo na sa gitna ng matinding init, pagbaha, polusyon sa hangin, at kakulangan ng mga pampublikong luntiang espasyo sa kalakhang lungsod.

Binigyang-diin ng LLS Philippines na hindi agad mapapalitan ng mga punla ang 617 malalaking puno na pinutol dahil aabutin pa ng maraming taon bago maibalik ng mga ito ang parehong benepisyong naibibigay ng ganap nang lumaking mga puno sa kalikasan at komunidad.

“Seedlings are future possibilities. Mature trees are present protection. Established trees already provide critical ecosystem services: cooling urban temperatures, absorbing floodwaters, filtering pollutants, storing carbon, reducing stress, supporting biodiversity, and creating more humane and livable public spaces,” pahayag ng LLS Philippines.

Nauna nang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may pahintulot ang pagputol ng 617 puno para sa Southern Access Link Expressway (SALEx) project ng San Miguel Corporation, na magdurugtong sa Skyway patungong Roxas Boulevard.

Iginiit din ng grupo na dapat kilalanin ang mga puno sa lungsod bilang mahalagang buhay na imprastraktura para sa pag-angkop at katatagan laban sa epekto ng pagbabago ng klima, at hindi bilang sagabal sa kaunlaran.

Dagdag pa ng LLS Philippines na hindi dapat sinusukat ang tunay na pag-unlad sa lawak ng mga kalsada at expressway habang lalong umiinit, sumisikip, at nagiging hindi makatao ang pamumuhay sa lungsod.

Nanawagan naman ang grupo sa pamahalaan na paghiwalayin ang tungkulin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa regulasyon at pangangalaga sa kalikasan upang matiyak na hindi isinasakripisyo ang kalikasan sa pag-apruba ng mga proyekto.

“The future of Manila will not only be defined by what is built, but by what society chooses to protect,” ayon sa LLS Philippines.

Nakasaad sa ensiklikal na Laudato Si’ ni Pope Francis na ang kalikasan ay hindi hiwalay sa tao at hindi lamang dapat ituring bilang simpleng lugar na tinitirhan.

Nanawagan din ang AKKaP ng pananagutan, transparency, at tunay na pangangalaga sa kalikasan sa lahat ng mga proyektong pangkaunlaran.

“Walang sustainable na kinabukasan kung patuloy nating pinuputol ang mismong nagbibigay-buhay sa atin,” ayon pa sa AKKaP.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 16,387 total reads

 16,387 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 6,088 total reads

 6,088 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,693 total reads

 87,693 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,918 total reads

 181,918 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 242,408 total reads

 242,408 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,999 total reads

 255,999 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 69,921 total reads

 69,921 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top