Alay Kapwa theme song, isasapubliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,429 total reads

Ilulunsad ng humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isang pagtitipon bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng Alay Kapwa.
Ito ang “Sa Kapwa Ko ay Alay: 50 Taon ng Pag-asa”, na isasagawa bukas, Hunyo 4, 2025, ganap na alas-10 ng umaga, sa Buenaventura Garcia Paredes, O.P. Building (BGPOP) sa University of Santo Tomas, España, Manila.

Ayon sa Caritas Philippines, layunin ng gawain na hikayatin ang hindi bababa sa isang milyong Alay Kapwa partners upang ipagpatuloy ang misyon ng pagkakawanggawa at pagbabahagi para sa kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Tampok sa programa ang bandang Ben&Ben, sa pangunguna nina Paolo at Miguel Benjamin, kasama ang iba pang miyembro ng banda, bilang Alay Kapwa Mission Advocates.
Bukod sa pagbabahagi ng mensahe ng pag-asa at pakikiisa sa misyon ng simbahan, itatanghal din ng banda ang “Sa Kapwa Ko ay Alay”—ang official theme song para sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa, na isinulat ni Robert Labayen at nilapatan ng musika ni Jonathan Manalo.

Pagbabahagi ng Caritas Philippines, ang gawain ay hindi lamang pagdiriwang, kundi panawagan sa mas malawak na pakikiisa ng publiko, lalo na ng mga kabataan, upang maipagpatuloy ang mga proyektong panlipunan sa ilalim ng Alay Kapwa Program.

Unang ilunsad ng CBCP ang Alay Kapwa noong 1975 bilang programa tuwing Kuwaresma, upang mangalap ng tulong para sa mga nangangailangan.
Noong 2021, pinalawak ito ng Caritas Philippines sa buong taon upang suportahan ang 7 Alay Kapwa Legacy Programs na nakatuon sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, kalikasan, pagtugon sa kalamidad, katarungan at kapayapaan at mabuting pamamahala, at kasanayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 113,567 total reads

 113,567 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 189,706 total reads

 189,706 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 223,154 total reads

 223,154 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 258,453 total reads

 258,453 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 480,531 total reads

 480,531 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,865 total reads

 158,865 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top