Blessed are the peacemakers, pastoral appeal ng FABC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,344 total reads

Nanawagan ng mas malalim na pananagutan para sa kapayapaan, katarungan, at moralidad ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) kasunod ng apela ng Kanyang Kabanalan Leon XIV sa gitna ng lumalalang pandaigdigang tensyon at karahasan.

Sa pastoral appeal na “Blessed are the Peacemakers”, na nilagdaan nina FABC President Cardinal Filipe Neri Ferrao, Vice President Cardinal Pablo Virgilio David, at Cardinal Isao Kikuchi, SVD, binigyang-diin ng mga lider ng simbahan na ang panawagan ng Ebanghelyo sa pagiging tagapamayapa ay hindi lamang mithiin kundi isang moral na obligasyon ng lahat.

“In a time when the fragility of international law and the weakening of global institutions are becoming increasingly evident, the temptation is strong to fall back on the logic of power—on force, deterrence, and domination,” pahayag ng FABC.

Binigyang-diin ng kapulungan ang panawagan ni Papa Leon na hindi dapat gamiting katwiran ang pananampalataya para bigyang-katwiran ang digmaan, at binigyang babala na ito ay pagbaluktot sa diwa ng Ebanghelyo.

“His words are not those of political partisanship, but of moral and spiritual leadership, exercised in fidelity to the Gospel,” ayon sa FABC.

Hinimok ng mga kardinal ang mga bansa na igalang ang international law at makataong pamantayan, at piliin ang “moral diplomacy” na nakabatay sa dignidad ng tao, sa halip na kapangyarihan o pananakot.

Ayon sa FABC, malinaw ang aral ng Asya mula sa kasaysayan nito ng digmaan at pagkakahati-hati, kung saan ang kapayapaan ay bunga ng tiyaga, diyalogo, at katarungan, hindi ng dominasyon.

Hinikayat din ng kapulungan ang lahat ng mananampalataya at may mabuting kalooban na magkaisa sa panalangin at pagkilos para sa mundong pinaiiral ang karunungan at tiwala, sa halip na takot at dahas.

“As a Church that is called to be a sign and instrument of unity for the whole human race, we believe that we cannot remain silent. Our mission is not to wield power, but to form consciences, to speak truth, and to keep alive the hope that peace is possible,” giit ng FABC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 123,052 total reads

 123,052 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 154,782 total reads

 154,782 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 256,609 total reads

 256,609 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 297,166 total reads

 297,166 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 312,538 total reads

 312,538 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 139,464 total reads

 139,464 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top