66-percent ng mga Pilipino, walang pinapanigan sa usaping politika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,811 total reads

Opisyal na inihayag ng Momentum Research na isang next-generation public opinion research firm ang kauna-unahang National Momentum Survey nito kaugnay sa mga pananaw at saloobin ng mga Pilipino hinggil sa mga pangunahing isyung pambansa.

Kabilang sa mga tinalakay ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ang nakatakdang ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos, at ang pre-election preferences para sa 2028 National Elections.

Batay sa resulta ng National Momentum Survey para sa General Pastisanship lumabas na 66.6 na porsyento ang independent o walang sinusuportahan; 16.7% ang suportado sa administrasyon; 13% sa oposisyon; 2.4% ang hindi alam o sigurado; at 1.2% naman ang tumangging sumagot.

Sa Factional Partisanship naman, lumabas na 45% ang independent o walang sinusuportahan; 28.9% ang taga-suporta ng mga Duterte at kaalyado; 12.4% ang oposisyon; at 11% naman ang taga-suporta ng mga Marcos at mga kaalyado nito.

Samantala, sa usapin naman ng kamalayan sa nagaganap na Impeachment Trial laban kay Vice President Sara Duterte, lumabas na 55.5% ang nabalitaan ang impeachment ngunit hindi gaanong nasubaybayan; 29.1% ang hindi nabalitaan ang impeachment; 12.6% ang nabalitaan at nasubaybayan; at 0.1% naman ang hindi alam o hindi sigurado.
Sa datos na ito pinakamarami ang sumusubaybay sa impeachment trial ng bise president sa metro Manila sunundan ng rest of Luzon, Mindanao at Visayas.

Kabilang din sa mga sinuri ang pananaw ng taumbayan kung dapat bang humarap si Vice President Duterte sa Impeachment Court kung saan lumabas na 44.3% ang naniniwalang lubos na mahalaga ang pagharap ng bise presidente sa pagdinig; 39% ang mahalaga; habang 13.6% naman ang hindi mahalaga.

Kaugnay naman sa pinaka-kapanipaniwalang paratang o article of impeachment laban kay VP Sara, lumabas na 24.2% ang maanomalyang paggamit ng confidential fund; 16.2% ang tangkang pagpatay sa pangulo at iba pa; 11% ang hindi maipaliwanag na yaman; 9.6% ang panunuhol sa mga kawani ng DEPED.

Lumabas rin sa pagsusuri na 36.6% ang nagtitiwala sa Senado bilang Impeachment Court; 35.5% ang hindi nagtitiwala; 12.7% ang lubos na nagtitiwala; 8.5% naman ang hindi alam o hindi sigurado.

Samantala, kaugnay naman sa mga usapin o suliranin na dapat na tutukan sa lipunan lumabas sa pagsusuri na nangunguna sa mga dapat na tutukang usapin ang korapsyon partikular na ang flood control scandal na nakakuha ng 42.6%; sinundan ng trabaho at pangkabuhayan sa 27.9%; presyo ng mga bilihin o inflation sa 23.5%; kahirapan o poverty sa 13.3%; health care sa 12.7%; 11% naman sa edukasyon; 9.8% sa illegal na droga; 8.3% sa agrikultura at food security; 6.5% sa impeachment ng bise president; 5.6% sa presyo ng produktong petrolyo; 5.2% sa peace and order at kriminalidad; at 1.3% sa pabahay.

Ayon sa organisasyon, layunin ng survey na matiyak na maririnig ang boses ng bawat Pilipino habang tinatahak ng bansa ang isang “unprecedented path” sa gitna ng mahahalagang usaping pampulitika.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,744 total reads

 6,744 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,542 total reads

 60,542 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,907 total reads

 145,907 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,644 total reads

 192,644 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,515 total reads

 240,515 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,477 total reads

 341,477 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top