80-porsiyento ng mga Katoliko, payag na buksan na ang mga simbahan sa pampublikong pagdiriwang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,144 total reads

May 19, 2020, 10:01AM

Pabor ang mayorya sa mga mananampalatayang Katolika na buksan na sa religious gatherings ang mga simbahan na nasa ilalim ng modified enchanced community quarantive o MECQ at general community quarantine o GCQ.

Lumabas sa online survey na “Pastoral suggestion for the New Normal of the Church” na isinagawa ng RadyoVeritas.PH, 80-porsiyento ng mga sumagot sa tanong na “Pabor ka ba sa muling pagbubukas ng Simbahan para sa pampublikong pagdiriwang”? ang pumapayag o pabor na buksan na ang mga simbahan sa pampublikong pagtitipon o religious gatherings.

Ito ang lumitaw sa “New Normal Survey para sa Simbahan” na kinabibilangan ng 3,800 respondents.

Sa tanong na “Ano ang mga dapat na panuntunan na ipatupad ng Simbahan bilang pag-iingat sa COVID-19? 40-porsiyento ng mga mananampalataya ang nagsabing ipatupad ang social distancing sa mga liturgical celebrations.

Sa online survey ng Radio Veritas, 40-porsiyento din ang nagpahayag na nararapat ipatupad ng mga simbahan ang mahigpit na “hygiene protocols” sa mga dadalo sa mga religious celebration.

Nais naman ng 16 na porsiyento ng mga mananampalatataya na ihatid ng mga parokya ang iba’t-ibang pastoral services sa mga online platform ng Simbahan. 3-porsiyento naman ng mga respondent ang nagsabing ibahagi ng simbahan ang Holy communion sa mga designated na lugar o komunidad.

Isinagawa ng Radio Veritas ang online survey noong ika-9 hanggang ika-14 ng Mayo, 2020 isang araw bago payagan ng pamahalaan ang religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ at GCQ na limitado lamang sa 5 at 10 katao.

See graph:

Mayorya din sa mga Filipino ang payag na buksan na sa mga pampublikong pagdiriwang ang mga simbahan sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enchanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ).

Sa isinagawang nationwide Veritas Truth Survey (VTS), 62-porsiyento ng mga Katolikong Filipino ang payag na buksan na ang mga simbahan sa mga pampublikong pagdiriwang, 20-porsiyento ang undecided at 15-percent ang nagsasabing hindi.

Ayon sa VTS, 55-porsiyento ng mga Katoliko sa Luzon ang payag na buksan na sa mga pastoral activities o pagdiriwang ng mga sakramento ang mga simbahan habang 30-percent ang nagsasabing hindi at 15-porsiyento naman ang undecided.

Sa Visayas, 90-porsiyento ang nagsabing YES, 7-percent ang NO at 1-percent ang undecided.

80-percent ang nagsabing YES sa Mindanao, 17-porsiyento ang undecided at 3-percent ang NO.

Ginamit sa VTS ang stratified sample sa 1,200 respondent sa buong bansa na mayroong +/- margin of error.

See graph:

Matapos tawagin ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na unreasonable ang inilabas na guidelines ng I-A-T-F na nililimitahan lamang sa 10 hanggang 5-katao ang maaring dumalo sa mga misa at iba pang pagdiriwang ng mga sakramento ng simbahan, Pinayuhan ni Presidential spokesman Harry Roque si Bishop Pabillo na isumite nito sa pamahalaan ang mga rekomendasyon at pag-iingat na gagawin ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 125,788 total reads

 125,788 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 157,518 total reads

 157,518 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 259,345 total reads

 259,345 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 299,902 total reads

 299,902 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 315,186 total reads

 315,186 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top