9-taong pagluluksa ng Our Lady of Hope of Palo, tinapos na ni Archbishop Du

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,014 total views

Ganap nang iginawad ni Palo, Leyte Archbishop John Du ang Episcopal Coronation para sa imahen ng Our Lady of Hope of Palo sa Metropolitan Cathedral of Our Lord’s Transfiguration Parish o Palo Cathedral.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Archbishop Du na ang pagpuputong ng korona sa mahal na birhen ay hudyat ng pagtatapos ng siyam na taong pagluluksa matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas.

November 8, 2013 nang manalasa ang kauna-unahang Super Typhoon sa bansa na pinangalanang Yolanda, na nanalasa sa Eastern Visayas kung saan umabot sa mahigit 6,000 indibidwal ang mga naitalang nasawi.

“It is indeed not just a time of remembrance and prayer but also the end of the cultural practice of the nine-year mourning period for the dead; this means that the celebration among the families of victims will acquire a festive character – the end or final time,” ayon kay Archbishop Du.

Paliwanag naman ng Arsobispo na ang pagpuputong ng korona sa Nuestra Señora de la Esperanza de Palo ay isang biyaya at pinakahihintay na tagpo ng mga mananampalataya ng Palo dahil sa mga nakalipas na taon ay mas pinagtuunan ang pag-alala sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.

Dagdag ni Archbishop Du na sa kabila nang mga pinagdaanang pagsubok ay hindi natinag ang pananampalataya ng mga tao at sa halip ay mas lalo pang yumabong at lumalim sa pagnanais na muling makamtan ang pag-asa.

“For us here, this is a celebration of Hope in the Lord. Despite what we have gone through, our God is indeed a God of Hope who challenges us to remain trusting and holding on to Him as we face imminent and unforeseen challenges in life,” saad ng Arsobispo.

Ang imahen ng Our Lady of Hope of Palo na naging simbolo ng pag-asa ng mga nakaligtas sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda ay nililok ng kilalang ecclesiastical artist na si Willy Layug mula sa Pampanga at kanyang inihandog sa Archdiocese ng Palo.

Taong 2015 naman nang basbasan mismo ng Kanyang Kabanalan Francisco ang imahen ng mahal na birhen kasabay kanyang Papal Visit sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 57,827 total views

 57,827 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 57,827 total views

 57,827 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 57,827 total views

 57,827 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 56,057 total views

 56,057 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 51,198 total views

 51,198 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top