Iwaksi ang pagiging “self-righteous”-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,986 total reads

Ang panahon ng Adbiyento ay isang pagkakataon upang pagnilayan ng bawat isa ang kaligayahang dulot ng matiyagang paghihintay sa pagdating ni Hesus sa daigdig.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Luis Antonio Tagle – pro Prefect Dicastery for Evangelization sa banal na misa para sa ikatlong linggo sa panahon ng Adbiyento mula sa Our Lady of Peace and Good Voyage Chapel sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma.

Ayon sa Cardinal, pambihirang kaligayahan ang bunga ng makabuluhang paghihintay at paghahanda ng mga Kristiyanong Katoliko sa Pasko o pagsilang ng Anak ng Diyos na si Hesus.

“Let us reflect on the joy that comes from patiently waiting. When we wait there is an aspect of joy, you know when you’re waiting for someone you like, or you’re waiting for the fulfillment of a promise but after a certain period when the waiting gets long we become impatient.” Ang bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Ibinahagi ng Cardinal na mahalaga ring pairalin ang naturang pasensya hanggang sa pakikitungo at relasyon sa kapwa tao.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na dapat magsilbing gabay at huwaran ng lahat sa pakikitungo sa kapwa ang pambihirang pasensya at pag-unawa ng Panginoon sa bawat isa na nakaugat sa kanyang habag, awa at pagmamahal sa sangkatauhan.

“Be patient with one another do not complain about one another. This is significant during advent; we remember how God has been patient with us… We should not forget that if the Lord has been patient with us, if the Lord has not given up on us, if the Lord continues to hope for our conversion, our reform then how come we are impatient with others. The patience of God towards us is rooted in His mercy.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Iginiit ng Cardinal na maituturing na miserable at ‘self-righteous’ ang mga taong walang pasensya sa kapwa na tuwinang naghahanap ng mali at hindi nakikita ang kanilang mga kahinaan at pagkakamali bilang isang indibidwal.

“Usually those who are impatient with others forget that they have faults, they are self-righteous and they make themselves the norm the model that everyone should imitate but when you are impatient with other people you don’t have joy, you see only things to criticized and that is a miserable condition to see only things to criticized and not things that you can rejoice.” Ayon pa sa Cardinal.

Partikular namang ipinapanalangin ni Cardinal Tagle ang mga kabataan na magkaroon ng pasensya at tiyaga sa paghihintay sa kabila ng kasalukuyang modernong panahon na mabilisan na lamang makuha, mabili o mahanap ang iba’t ibang materyal na naisin sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 81,553 total reads

 81,553 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 164,579 total reads

 164,579 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 258,912 total reads

 258,912 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 320,596 total reads

 320,596 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 362,433 total reads

 362,433 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top