404 total views

Araw of Pasko

Is 52:7-10 Heb 1:1-6 Jn 1:1-18

Marami ang nag-Christmas party ngayong taon. Nanabik na tayo sa Christmas party kasi nawala ito ng dalawang taon. Isa sa mga ginagawa sa Christmas party ay ang exchange gift. Siguro bongga ang exchange gifts ngayong taon. Marami na rin tayong karanasan sa exchange gifts, mula pa nang pagkabata natin. Madalas na mangyari na marami ay disappointed sa regalo na natanggap nila. Parang lugi sila. Mas maganda at mas mahal ang kanilang binigay kaysa kanilang tinanggap.

Saan nanggaling ang kaugaliang ito ng exchange gift sa Christmas party? Maaaring ito ay nanggaling sa original na exchange sa unang Christmas – nag-exchange gift ang Diyos at ang tao. Binigay natin ang ating pagkatao sa Diyos at binigay naman ng Diyos ang kanyang pagka-Diyos. “Naging tao ang Salita ng Diyos at siya’y nanirahan sa piling natin.” “Ang nananalig sa Diyos ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos.” Binigay natin ang ating laman, ang ating pagkatao sa Anak ng Diyos at tayo naman ay tumanggap ng kanyang pagka-Diyos.

Patas ba ang ating exchange gift sa Diyos? Hindi yata patas. Ang ating pagkatao ay makasalanan, ang kanyang pagka-Diyos ay puno ng kadalisayan; ang ating pagkatao ay mamamatay, ang kanyang pagka-Diyos ay magpasawalang hanggan; ang ating pagkatao ay mahina at marupok, ang kanyang pagka-Diyos ay malakas at matibay. Hindi pantay ang dalawang regalo, pero nagreklamo ba ang Diyos na lugi siya? Hindi! Ang nagreklamo ay ang ilang anghel. Dito daw nagsimula ang pagrebelde ni Lucifer, ang pinakamagandang anghel. Nilaktawan ng Diyos ang mga anghel sa pagiging tao niya. Mas pinahalagahan niya ang tao kaysa ang anghel. At ngayong naging tao na ang Diyos dapat na sambahin ng mga anghel ang isang tao – “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos,” narinig natin ito sa ating ikalawang pagbasa.

Huwag nating ipagmayabang ito kundi ipasalamat. Ang diwa na mamamayani sa atin tuwing Pasko ay pasasalamat. Oo, nagpapasalamat tayo sa mga bonus, sa mga masasarap na pagkain, at sa mga regalo na natanggap natin. Ngunit higit pa rito magpasalamat tayo sa Diyos na lumapit sa atin, na naging isa na siyang tao tulad natin. Hindi na siya isang makapangyarihan na hindi natin maaabot. Kung noong una nagpapaabot siya ng kanyang mga mensahe sa pamamagitan ng mga tao na pinadala niya, ngayon ang Anak na niya mismo ang nagsasalita sa atin. Itong Salita ng Diyos na dumating ay kasama na ng Diyos sa pasimula pa. Siya ang dahilan bakit nilikha ng Diyos ang buong mundo. Siya ang simula ng lahat ng buhay. Siya ang liwanag ng mundo. Siya iyong naging tao, naging isang tao na tulad natin. Kung talagang iisipin natin, hindi natin ito ma-imagine. Talagang nagpakababa siya para makapantay niya tayo. At bakit? Dahil sa mahal niya tayo. Gusto niyang mag-relate sa atin. Sino ba naman tayong mga tao na mahalin ng ganoon na lang ng Diyos!

Hindi ito matalos ng ating kaisipan at ng ating imagination. Dahil sa hindi natin kayang isipin, pinabayaan na lang natin siya. “Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.” Iyan ang malungkot. Kaya sa halip na pansinin siya at isipin kung gaano kalaki ang pag-ibig niya sa atin – pinagkakaabalahan na lang natin ang mga palamuti ng Pasko – ang mga material na regalo, ang pera, ang pagkain, ang mga damit, ang bakasyon at marami pang iba – marami pang iba maliban si Jesus, ang anak ng Diyos na naging tao. Ni hindi man natin na-appreciate ang pagdating ni Jesus, ni hindi man natin napasalamatan ang Diyos sa dakilang regalong ito.

Sobra ang ating natanggap sa Diyos kaysa ating ibinigay sa kanya. Pahalagahan naman natin ang regalo na natanggap natin. Binigay sa atin ang kanyang pagka-Diyos. Pahalagahan at isabuhay natin ito. Let us live the divine life that is in us. Hindi lang tayo makatao. Maka-Diyos tayo. Ibinalik ng Diyos ang original na balak niya sa atin, na tayo ay kawangis niya. We are the image and likeness of God. Dahil sa maka-Diyos tayo may mga bagay na hindi karapat-dapat sa atin, tulad ng pagmumura, tulad ng pagka-inggit, tulad ng pagsasamantala sa iba, tulad ng mga gawaing mahalay. Hindi dapat tayo maging mukhang pera. Hindi dapat makasarili o mayabang. Pahalagahan po natin ang ating pagiging maka-Diyos.

Paano ba mabubuhay ang isang tao na may buhay ng Diyos? Tignan natin si Jesus. Ang buhay niya ay ang buhay ng isang taong Diyos. Siya ay masunurin sa Diyos Ama. Sinabi niya na ang pagkain niya ay sundin ang kalooban ng Ama. Puno siya ng tiwala sa Ama kaya simple lang ang buhay niya at hindi siya materialistic. Bakit pagka-abalahan ang mga bagay-bagay na bibigyan naman tayo ng Diyos ng mga talagang kailangan natin? Mahal niya ang kanyang kapwa, kaya matulungin siya at ginagabayan sila sa wastong landas; hindi siya nagsasamantala sa mga bata, sa mga mahihirap, sa mga babae, at sa mga dayuhan. Gayahin natin si Jesus upang maisabuhay natin ang regalo ng Pagka-Diyos na tinanggap natin sa Pasko. Kaya ma-sa-summarize natin ang buhay ni Jesus na buhay na masunurin – obedient – buhay na dalisay – chaste – at buhay na dukha – poor. Ito ang tatlong katangian ng buhay ng tao na Diyos. Sana matuto din tayong maging obedient, chaste and poor.

Masaya ang nagbigay ng regalo kung na-appreciate ang regalo niya at ito ay ginagamit. Masaya ang Diyos kung napapahalagahan natin ang regalo niya. Pinadala niya ang kanyang Anak upang ibigay sa atin ang kanyang buhay. Isabuhay natin ang ating pagiging maka-Diyos. Hindi lang natin tanggapin si Jesus. Gayahin natin siya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 25,050 total views

 25,050 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 30,468 total views

 30,468 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 37,175 total views

 37,175 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 51,971 total views

 51,971 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 58,127 total views

 58,127 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 2,165 total views

 2,165 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 7,486 total views

 7,486 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 9,644 total views

 9,644 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 11,802 total views

 11,802 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 12,152 total views

 12,152 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 25,622 total views

 25,622 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 26,051 total views

 26,051 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 30,095 total views

 30,095 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 32,851 total views

 32,851 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 32,851 total views

 32,851 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 32,833 total views

 32,833 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 36,334 total views

 36,334 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 32,833 total views

 32,833 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 32,828 total views

 32,828 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 32,828 total views

 32,828 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top