Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

AWIT NG DALAWANG NAGSASAGUTANG CELLO

SHARE THE TRUTH

 256 total views


Homiliya para sa Huling Araw ng Simbang Gabi, Sabado ng Pang-apat na Linggo ng Adbiyento, Ika-24 ng Disyembre 2022, Luk 1:67-79

May napanood akong video kamakailan, isang napakagandang duet performance ng dalawang cellists. Nagkataon pa naman na pinakapaborito kong musical instrument ang cello—larger version ito ng violin na iniipit sa pagitan ng mga hita ng performer. Ang nanginginig na tunog ng dalawang cello ay para bang nanunuot sa kaibuturan ng puso, parang tumatangis o nananaghoy.

Lalo kang madadala dahil sa maramdaming interpretasyon ng performers na parang nakatingala pero nakapikit ang mata, na parang ang tinitingnan ay wala sa labas o sa itaas kundi nasa loob nila. Iyung mapapaiyak ka talaga sa pakikinig sa kanila. Alam nyo ba ang pamagat ng piyesang tinugtog nila? BENEDICTUS. At ito ang pagbasa natin ngayong huling araw ng Simbang Gabi, ang inawit ni Zacarias nang matapos ang kanyang pananahimik.

Palagay ko, kaya dalawang cellists ang tumugtog sa version na iyon ng Awit ni Zacarias, ay dahil dalawang bata ang binibigkasan ng orakulo ni Zacarias sa ating pagbasa: si Jesus at ang anak niyang si Juan. Bumibigkas siya ng isang orakulo na sa umpisa, ang kausap muna ay si Maria, pagkatapos si Jesus naman, pagkatapos lilipat kay Juan, at sa huli, babalik kayJesus.

Di ba’t kahapon sa aking “reading between the lines” nasabi ko sa inyo na bukod kina Zacarias, Elizabeth at ang bagong silang na si Johnny Boy, mga kapitbahay at kamaganak, may dalawa pang karakter na naroon din sa eksena ngunit tahimik lang? Una, nandiyan pa rin si Maria, na mula sa pagiging alalay sa panganganak ni Elisabet, ngayon ay magiging babysitter ng sanggol na si Juan. At pangalawa ang tatlong buwan na baby Jesus sa sinapupunan niya.

Wala pa yata akong nakikitang imahen ng buntis na Mama Mary, na nagsisilbing “babysitter” ng sanggol na Juan Bautista. Sa imahinasyon ko, karga-karga niya ang batang Juan habang si Hesus ay dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Ang gandang ilarawan sa isip ang dalawang bata na karga ni Maria: ang isa sa mga kamay niya, at ang isa sa loob ng tiyan niya. Isipin nyo ang dalawang sanggol na halos magkadikit, balat lang ang pagitan. Pinakikiramdaman ang isa’t isa.

Kahapon ang binasa ko sa pagitan ng mga linya ay ang papel na tahimik na ginampanan ni Maria upang mabuksan muli ang dila ng siyam na buwan na nanahimik na si Zacarias. Si Maria rin ang nagpalakas ng loob kay Elisabet upang harapin ang mga intrigerong kamaganak at kapitbahay at sabihing “Juan ang pangalan ng bata.”

Ngayon naman ang sandali na bibigkasin ni Zacarias ang isang orakulo tungkol sa magiging kapalaran ng dalawang bata. Kaya pala dalawang cello na nagsasagutan ang nagtanghal ng Benedictus o Awit ni Zacarias sa konsiyertong napanood ko sa video at nabanggit ko sa simula.

May tatlong bahagi ang pagsasagutan ng dalawang instrumento. Ang paunang tugtog ng unang cello ay para kay Maria: “Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel…” Sasariwain nito ang kasaysayan ng kaligtasan ng bayang Israel bilang pagtupad sa kanyang “banal na tipan.” Parang pagsang-ayon ito ni Zacarias sa naunang inawit na Magnificat ni Maria at ating narinig sa ebanghelyo kamakalawa, awit ng pagmamalaki sa Diyos.

Ang kasunod na tugtog ng ikalawang cello ay para naman sa sanggol na si Juan, ang sinabi ni Zacarias sa ikalawang bahagi, “Ikaw naman anak, ay tatawaging propeta ng kataas-taasan…” Bibigkasin niya ang magiging papel na gagampanan ni Juan bilang tagapaghanda ng daan at tagaturo ng landas ng kaligtasan.

At ang huling bahagi ay ang pagsasabayan ng dalawang cello. Parang ito ang huling bahagi ng orakulo ni Zacarias para naman kay Jesus: ang bahaging nagsasabing, “Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos; magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan.” Dito ipinahahayag na niya ang magiging misyon ng batang Anak ng Diyos na nasa sinapupunan ni Maria: ang “Araw ng Kaligtasan” na malapit nang masilayan tulad ng bukang liwayway, ang “magbibigay liwanag sa mga nasa kadiliman at papatnubay sa atin sa daan ng kapayapaan.”

Sa araw na ito tinatapos natin ang nobena ng simbang gabi. Siyam na gabi tayong para bang sama-samang nakilakbay kina San Jose at ang malapit nang magsilang na Mama Mary. Sama-samang nakinig sa salita ng Diyos at nagnilay sa ating mga karanasan sa buhay, sa liwanag ng ating pananampalataya. Para tayong tahimik na nakinig sa musika ng kasaysayan ng kaligtasan.

Maari kayang sa sandaling ito, ipikit ang mata, at pakinggan sa isip ang awit ni Zacarias na nagpapahayag ng kagandahang-loob ng Diyos? Panalangin ko na ang biyayang tinanggap ninyo sa siyam na gabi ng paglalamay at pakikilakbay ay mag-umapaw at maghatid ng sigla, galak at kapayapaan sa bawat taong batiin ninyo bukas ng maligayang Pasko.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 11,058 total views

 11,058 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 17,031 total views

 17,031 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 22,786 total views

 22,786 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 30,049 total views

 30,049 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 38,033 total views

 38,033 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 727 total views

 727 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 729 total views

 729 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,483 total views

 3,483 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,898 total views

 7,898 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,224 total views

 3,224 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,747 total views

 3,747 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,246 total views

 5,246 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,090 total views

 6,090 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,345 total views

 4,345 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,558 total views

 8,558 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,791 total views

 7,791 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,001 total views

 12,001 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,449 total views

 5,449 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,453 total views

 5,453 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,453 total views

 5,453 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top