VeritasPH

The Word, The Truth

 421 total views

Araw of Pasko

Is 52:7-10 Heb 1:1-6 Jn 1:1-18

Marami ang nag-Christmas party ngayong taon. Nanabik na tayo sa Christmas party kasi nawala ito ng dalawang taon. Isa sa mga ginagawa sa Christmas party ay ang exchange gift. Siguro bongga ang exchange gifts ngayong taon. Marami na rin tayong karanasan sa exchange gifts, mula pa nang pagkabata natin. Madalas na mangyari na marami ay disappointed sa regalo na natanggap nila. Parang lugi sila. Mas maganda at mas mahal ang kanilang binigay kaysa kanilang tinanggap.

Saan nanggaling ang kaugaliang ito ng exchange gift sa Christmas party? Maaaring ito ay nanggaling sa original na exchange sa unang Christmas – nag-exchange gift ang Diyos at ang tao. Binigay natin ang ating pagkatao sa Diyos at binigay naman ng Diyos ang kanyang pagka-Diyos. “Naging tao ang Salita ng Diyos at siya’y nanirahan sa piling natin.” “Ang nananalig sa Diyos ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos.” Binigay natin ang ating laman, ang ating pagkatao sa Anak ng Diyos at tayo naman ay tumanggap ng kanyang pagka-Diyos.

Patas ba ang ating exchange gift sa Diyos? Hindi yata patas. Ang ating pagkatao ay makasalanan, ang kanyang pagka-Diyos ay puno ng kadalisayan; ang ating pagkatao ay mamamatay, ang kanyang pagka-Diyos ay magpasawalang hanggan; ang ating pagkatao ay mahina at marupok, ang kanyang pagka-Diyos ay malakas at matibay. Hindi pantay ang dalawang regalo, pero nagreklamo ba ang Diyos na lugi siya? Hindi! Ang nagreklamo ay ang ilang anghel. Dito daw nagsimula ang pagrebelde ni Lucifer, ang pinakamagandang anghel. Nilaktawan ng Diyos ang mga anghel sa pagiging tao niya. Mas pinahalagahan niya ang tao kaysa ang anghel. At ngayong naging tao na ang Diyos dapat na sambahin ng mga anghel ang isang tao – “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos,” narinig natin ito sa ating ikalawang pagbasa.

Huwag nating ipagmayabang ito kundi ipasalamat. Ang diwa na mamamayani sa atin tuwing Pasko ay pasasalamat. Oo, nagpapasalamat tayo sa mga bonus, sa mga masasarap na pagkain, at sa mga regalo na natanggap natin. Ngunit higit pa rito magpasalamat tayo sa Diyos na lumapit sa atin, na naging isa na siyang tao tulad natin. Hindi na siya isang makapangyarihan na hindi natin maaabot. Kung noong una nagpapaabot siya ng kanyang mga mensahe sa pamamagitan ng mga tao na pinadala niya, ngayon ang Anak na niya mismo ang nagsasalita sa atin. Itong Salita ng Diyos na dumating ay kasama na ng Diyos sa pasimula pa. Siya ang dahilan bakit nilikha ng Diyos ang buong mundo. Siya ang simula ng lahat ng buhay. Siya ang liwanag ng mundo. Siya iyong naging tao, naging isang tao na tulad natin. Kung talagang iisipin natin, hindi natin ito ma-imagine. Talagang nagpakababa siya para makapantay niya tayo. At bakit? Dahil sa mahal niya tayo. Gusto niyang mag-relate sa atin. Sino ba naman tayong mga tao na mahalin ng ganoon na lang ng Diyos!

Hindi ito matalos ng ating kaisipan at ng ating imagination. Dahil sa hindi natin kayang isipin, pinabayaan na lang natin siya. “Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.” Iyan ang malungkot. Kaya sa halip na pansinin siya at isipin kung gaano kalaki ang pag-ibig niya sa atin – pinagkakaabalahan na lang natin ang mga palamuti ng Pasko – ang mga material na regalo, ang pera, ang pagkain, ang mga damit, ang bakasyon at marami pang iba – marami pang iba maliban si Jesus, ang anak ng Diyos na naging tao. Ni hindi man natin na-appreciate ang pagdating ni Jesus, ni hindi man natin napasalamatan ang Diyos sa dakilang regalong ito.

Sobra ang ating natanggap sa Diyos kaysa ating ibinigay sa kanya. Pahalagahan naman natin ang regalo na natanggap natin. Binigay sa atin ang kanyang pagka-Diyos. Pahalagahan at isabuhay natin ito. Let us live the divine life that is in us. Hindi lang tayo makatao. Maka-Diyos tayo. Ibinalik ng Diyos ang original na balak niya sa atin, na tayo ay kawangis niya. We are the image and likeness of God. Dahil sa maka-Diyos tayo may mga bagay na hindi karapat-dapat sa atin, tulad ng pagmumura, tulad ng pagka-inggit, tulad ng pagsasamantala sa iba, tulad ng mga gawaing mahalay. Hindi dapat tayo maging mukhang pera. Hindi dapat makasarili o mayabang. Pahalagahan po natin ang ating pagiging maka-Diyos.

Paano ba mabubuhay ang isang tao na may buhay ng Diyos? Tignan natin si Jesus. Ang buhay niya ay ang buhay ng isang taong Diyos. Siya ay masunurin sa Diyos Ama. Sinabi niya na ang pagkain niya ay sundin ang kalooban ng Ama. Puno siya ng tiwala sa Ama kaya simple lang ang buhay niya at hindi siya materialistic. Bakit pagka-abalahan ang mga bagay-bagay na bibigyan naman tayo ng Diyos ng mga talagang kailangan natin? Mahal niya ang kanyang kapwa, kaya matulungin siya at ginagabayan sila sa wastong landas; hindi siya nagsasamantala sa mga bata, sa mga mahihirap, sa mga babae, at sa mga dayuhan. Gayahin natin si Jesus upang maisabuhay natin ang regalo ng Pagka-Diyos na tinanggap natin sa Pasko. Kaya ma-sa-summarize natin ang buhay ni Jesus na buhay na masunurin – obedient – buhay na dalisay – chaste – at buhay na dukha – poor. Ito ang tatlong katangian ng buhay ng tao na Diyos. Sana matuto din tayong maging obedient, chaste and poor.

Masaya ang nagbigay ng regalo kung na-appreciate ang regalo niya at ito ay ginagamit. Masaya ang Diyos kung napapahalagahan natin ang regalo niya. Pinadala niya ang kanyang Anak upang ibigay sa atin ang kanyang buhay. Isabuhay natin ang ating pagiging maka-Diyos. Hindi lang natin tanggapin si Jesus. Gayahin natin siya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 9,190 total views

 9,190 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 17,235 total views

 17,235 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 22,315 total views

 22,315 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 28,022 total views

 28,022 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 36,810 total views

 36,810 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 517 total views

 517 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 6,649 total views

 6,649 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 4,778 total views

 4,778 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 7,061 total views

 7,061 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 9,967 total views

 9,967 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 10,906 total views

 10,906 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 10,900 total views

 10,900 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 14,618 total views

 14,618 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 16,464 total views

 16,464 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 16,461 total views

 16,461 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 20,970 total views

 20,970 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 26,286 total views

 26,286 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 28,444 total views

 28,444 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 30,602 total views

 30,602 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 30,952 total views

 30,952 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top