Pangarap na Pabahay ngayong 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,053 total views

Isang taon na naman ang lilipas, kapanalig. Ikaw ba ay may bahay nang tunay na mong pagmamay-ari?  O katulad ka ba ng maraming mga Filipino na nangungupahan pa hanggang ngayon, o nasa mga informal settlements pa, o nakatira sa mga tinatawag na rights – mga lupang walang titulo – at aandap-andap na baka palayasin ka anumang araw o oras? Kung oo, hindi ka nag-iisa, kapanalig. Karamay mo ang higit pa sa 4.5 milyong Filipino na nangangarap na magkaroon ng sariling bahay ngayong darating na bagong taon.

Kapanalig, paano nga ba magiging abot-kamay ang pabahay sa ating bayan ngayong 2023? Ito nga lang Nobyembre 2022, nanawagan ang housing department ng sapat na budget upang makapagtayo ng isang milyong pabahay kada taon. Kailangang kailangan ito dahil napakalaki ng ating housing backlog ngayon.  6.5 million ang housing deficit natin ngayong 2022 at pagdating ng 2028, lolobo ito ng 10.9 million.

Mainam sana na programa ito, pero hindi pa rin sapat upang tugunan ang ating housing gap. Maliban sa imprastraktura, may mga iba pang hamon sa mga mamamayan bago sila magkabahay.

Unang-una, pera. Andami ng nawalan ng trabaho ngayon at andami ang nagsisimula ulit matapos hagupitin ng pandemya pati na ng mga nagdaang bagyo. Maliit pa ang kita nila, at syempre, hindi kayang makabili ng bahay kahit pa utang ito. Pag maliit ang sweldo, hirap makakuha ng housing loan. Pag murang pabahay naman na abot kaya, sa mga malalayong lugar lamang matatagpuan, kung saan salat naman sa trabaho.

Balakid din sa pabahay, kapanalig, ang trabaho o ang kawalan nito. Kahit pa magtayo ng pabahay kapanalig, at naka-ipon ka upang makabili nito, lilipat pa rin sa mga informal settlements ang mga tao. Ilang beses na itong nangyari sa ating mga relocation sites. Kung walang kabuhayan sa mga pinaglipatan, babalik at babalik pa rin ang mga tao sa kanilang pinanggalingan.

Hindi pa kasali dyan kapanalig, ang availability ng mga health at education facilities, pati mga pamilihan at libangan, na mga mahahalagang salik sa disente at marangal na pabahay.

Noong bumisita si Pope Francis sa Homeless and Center for Health and Education at St. Patrick Parish, Washington, D.C., Noong Setyembre 2015, sinabi niya: “We can find no social or moral justification, no justification whatsoever, for lack of housing.” Inihayag rin sa Sollicitudo Rei Socialis, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, na malayo pa rin tayo sa tunay na kaganapan ng ating pagkatao base sa kawalan ng disenteng tahanan para sa napakaraming mga tao.

Kung tunay na nais ng pamahalaan na matugunan ang housing backlog sa bayan, kailangang makita nito na whole of government approach ang kailangan -mula sa pagpili ng lokasyon hanggang sa paglipat. Kailangan interagency ang approach upang tiyak na matugunan ang iba-ibang pangangailangan ng tao. Hindi naman imposible ito dahil ang mga housing development plans nga ng mga pribadong sektor ay komprehensibo ang approach – kayang kaya din ito ng pamahalaan, kung seryoso sana nilang haharapin ang right to housing ng bawat Filipino.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 31,655 total views

 31,655 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 205,589 total views

 205,588 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 183,222 total views

 183,221 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 246,183 total views

 246,182 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 263,605 total views

 263,605 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi lang ‘for the content’

 31,656 total views

 31,656 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 205,590 total views

 205,590 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 183,223 total views

 183,223 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 246,184 total views

 246,184 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »
Scroll to Top