Kahirapan matapos ang Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 871 total reads

Katatapos lang ng pasko at bagong taon, kapanalig. Kamusta na kayo? Naging magastos ba ang holiday season sa inyo?

Kapanalig, marahil hindi natin napansin na nitong nakaraang pasko, marami sa ating mga kababayan ang hindi naman halos nakapag-diwang nito. Ngayon panahon ng digital technology, marahil naging mas bulag na nga tayo sa katotohanang ito. Mas maraming mga posts ng kasiyahan o parties. Mas maraming posts ng mga regalo at handaan. Ang nakita lamang natin sa feeds natin ay ang mga posts ng mga selebrasyon ng pasko at new year ng iba ibang tao. Kadalasan, marangya at magarbo ang kanilang selebrasyon. Sa kabila ng mga posts na ito ay ang milyon-milyon din nating  mga kababayan na ni pambili ng load ay wala sila. Ni pagkain, wala.

Ayon sa Listahan Survey ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mahigit pa sa 5.6 milyong pamilyang Filipino ang dukha nitong 2022. Mas mataas pa ito sa bilang noong 2015 kung saan may 5.2 pamilyang Filipino naghihirap.

Sa gitna naman ng paghihirap na ito, mas tumataas pa ang presyo ng mga bilihin. Nitong Nobyembre 2022 lamang, naging 8% pa ang antas ng inflation sa ating bansa. Kaya nga’t mas marami ang nabigla ng panahon na ng Christmas shopping. Bitin na pala ang pambili nila.

Buksan sana natin ang ating mga mata kapanalig. Mahirap ang bayan natin, at mas marami ang naghihirap sa bayan natin ngayon. Ang mga selebrasyon na nakita mo online ay maliit na porsyento lamang ng ating populasyon–mas marami ang kaunti o halos walang naihanda nitong nakaraang holiday season.

Sana ngayong 2023, umaangat-angat na ang buhay ng maraming Filipino. Maging mas abot-kaya na sana ang mga presyo ng bilihin. Mas lumaki pa sana ang kanilang kita, sapat para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Nitong nakaraang New Year’s Day, napakaganda ng mga pahayag ni Pope Francis. Sana ay mapukaw nito ang ating mga isipan, at tulakin tayo na kumilos para sa ikaka-sulong ng bayan. Sabi niya: “Today, amid the lethargy that dulls our senses, the indifference that paralyzes our hearts and the temptation to waste time glued to a keyboard in front of a computer screen, the shepherds are summoning us to set out and get involved in our world, to dirty our hands and to do some good.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 14,102 total reads

 14,102 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 30,418 total reads

 30,418 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 101,439 total reads

 101,439 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 187,944 total reads

 187,944 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 230,976 total reads

 230,976 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 279,289 total reads

 279,289 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 30,419 total reads

 30,419 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 101,440 total reads

 101,440 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 187,945 total reads

 187,945 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 230,977 total reads

 230,977 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »
Scroll to Top