381 total views

Homiliya para sa Ika-3 Linggo ng Karaniwang Panahon, 22 Enero 2023, Mat 4:12-23

Madilim ang sitwasyon para kay Hesus sa ating ebanghelyong binasa. Inaresto at ibinilanggo ng mga otoridad ang pinsan niyang propeta na si Juan Bautista. Ramdam na ramdam ang tensyon sa sitwasyon. Umalis daw siya sa Nazareth at doon daw siya nanirahan sa Capernaum, malapit sa Lawa ng Galilea.

Minsan talaga, may mga bagay na biglaang magpapabago sa takbo ng buhay natin sa ayaw natin at sa gusto. Merong parang domino-effect ang mga pangyayari, ayon sa kuwento ni San Mateo: babaguhin nito ang takbo ng buhay—ni Juan Bautista, ni Hesus, ng dalawang magkapatid: Simon at Andres, Santiago at Juan. Mayroong isa pang karakter na makararanas din ng bagong takbo ng buhay. Nasa background siya, pero hindi binabanggit ni San Mateo sa kuwento niya. Sino ba ang ang nasa bahay nila sa Nazareth na napakahalaga sa buhay ni Hesus na tiyak na maaapektuhan din ng takbo ng mga pangyayari: Edi si Mama Mary!

Alam nyo naman na mahilig akong mag-“reading between the lines” ng Banal na Kasulatan gamit ang imahinasyon. Kaya doon sa isinulat kong librong YESHUA, inilarawan ko doon ang eksena ng pag-alis ni Hesus mula sa Nazareth. Na halos ipagtulakan siya ng nanay niya, “Anak, parang awa mo na, lumayo-layo ka muna. Mainit ang sitwasyon. Kung inaresto ng mga sundalo ng gobernador ng Galilea ang pinsan mo, at alam nilang ikaw ang pinaka-kanang kamay ni Kuya Juan mo, siguradong markado ka na at pinaghahanap ka na rin. Alam mo namang malupit ang gobernador, di ba?Pinapapugutan niya ng ulo ang mga bumabatikos sa administrasyon niya.“

Parang ganoon din noong panahon ng martial law sa Pilipinas, noong isa-isang ipinabibilanggo ang mga oposisyon at sinumang kritikal sa gubyerno. Mabuti kung legal na inaareesto; ang iba pinaglalaho. “Desaparecidos” ang tawag sa kanila sa Latin America. Dinudukot, “sinasalvage”, hindi na lumilitaw. Hindi pa ginagamit noon ang salitang EJK. Nakakatakot. Kaya nauso noon sa mga aktibista ang salitang “lie low muna.” Parang ganoon ang sitwasyong hinaharap ni Hesus. Mainit, kailangan munang magpalamig. Nagmamanman ang mga otoridad, huwag munang lumantad, magtago muna, lumayo muna, magtungo doon kung saan hindi ka gaanong kakilala.

Sigurado akong mabigat din sa loob ni Hesus na lisanin ang Nazareth at iwan ang nanay niya. Palagay ko, sinabihan siya ni Mama Mary, “Huwag mo akong problemahin, anak. May kaunting ipon naman na iniwan ang Tatay Jose mo bago siya namatay. Basta umalis ka lang muna. Mas mamamatay ako sa pag-aalala sa iyo kung nandito ka.”

Kapag pinangunahan talaga tayo ng nerbyos tungkol sa mga biglaang pangyayari at delikadong sitwasyon, ang natural na reaksyon ay pagkatakot, pag-atras, paglayo, pagtatago, pananahimik. Pero hindi ganoon ang gagawin ni Hesus pagdating niya sa Capernaum. Imbes na magtago siya, lumantad siya. Imbes na tumahimik, nangaral siya. Imbes na magdili-dili nakipagkaibigan at humanap ng mga katropa.

Iyan ang pagkakaiba ng REAKSYON sa TUGON. Kahit sa Ingles, iba ang “reaction” sa “response”. Iyung reaksyon, halos automatic iyan—idinidikta ng sitwasyon, hindi pinag-iisipan. Ang tugon o response, hindi iyan automatic. Hindi nagpapadala sa sitwasyon kundi mulat at kusang loob na na sumasagot o tumutugon sa tawag ng sitwasyon. Iba iyan sa reaksyon; pinag-iisipan, kinikilatis, pinagninilayan, pinag-aaralan, dinidisisyunan at pinaninindigan.

Kaya sa kuwento ni Mateo, ang madilim na sitwasyon mismo ay magiging okasyon ng simula ng pagmimisyon ni Hesus, ng paglantad niya sa publiko at pangangaral ng mabuting balita. Ilalarawan ito ni San Mateo bilang “pagsikat ng liwanag”. Ewan kung napansin nyo, inulit pa nga ni Mateo ang orakulong binigkas ni Propeta Isaias sa ating unang pagbasa. Bakit? Ang Capernaum kasi ay parte ng mga rehiyon na binabanggit ni Isaias: Zebulun at Naphtali—dako ng Galilea sa may Lawa—lugar ng mga Hentil.

Ang orakulong ito ay binabasa natin kapag Krismas—“Ang bayang nabubuhay sa kadiliman ay nakatanaw ng isang matinding liwanag; ang mga binalutan ng anino ng kamatayan ay sinikatan ng bukang-liwayway.” Pati ang dating mensahe ni Juan tungkol sa pagdating ng paghahari ng Diyos binago ni Hesus. Hindi isang nakakatakot na parusa ang pahayag niyang darating kundi mabuting balita! At hindi iyung tipong hihintayin pa sa hinaharap. Ang kaharian ay narito na. Saan? Hindi sa langit kundi dito sa daigdig. Kailan? Hindi bukas o pagkamatay kundi NGAYON NA.

Sayang, kapag ang salita ay isinasalin, minsan nawawalan ng dating. Minsan malamya ang translation, hindi nasasapol ang ibig sabihin. Sabi niya sa Griyego, “Metanoiete, enggiken gar he basileia twn ouranwn.” Ang translation sa Ingles “Repent, for the kingdom of heaven is at hand.” Sa Tagalog, “Pagsisihan ang kasalanan, narito na ang kaharian ng langit.” Palagay ko ang angkop na translation ay, “Magbago ng kalooban.” Ibig sabihin, hindi reaksyon kundi tugon ang hinihingi ng sitwasyon. Padidilimin ng sitwasyon ang buhay natin kung hahayaan nating magpadala lang sa agos. Nasa atin ang desisyon—na lumabas sa liwanag imbes na magtago, magpalakas ng loob imbes na matakot, magpahayag ng pag-asa imbes na masiraan ng loob, na maghatid ng grasya sa gitna ng disgrasya, na simulan nang gawin ngayon na mismo ang pinapangarap na bukas.

Di ba ito ang itinuro niyang panalangin sa atin? “Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.” Mga kapatid, huwag nating sayangin ang maikling buhay at panahon natin; simulan na dito sa lupa ang pinapangarap nating langit.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 9,645 total views

 9,645 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 13,890 total views

 13,890 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 20,805 total views

 20,805 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 36,183 total views

 36,183 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 48,607 total views

 48,607 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 10,011 total views

 10,011 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 8,843 total views

 8,843 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 8,829 total views

 8,829 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 8,828 total views

 8,828 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 8,831 total views

 8,831 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 8,833 total views

 8,833 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 8,836 total views

 8,836 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 12,144 total views

 12,144 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 12,138 total views

 12,138 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 12,140 total views

 12,140 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 12,107 total views

 12,107 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 20,683 total views

 20,683 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 15,816 total views

 15,816 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MI CASA, SU CASA

 15,816 total views

 15,816 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Ika-apat na Linggo ng Karaniwang Panahon, Pebrero 1, 2024, Mk 6:7-13 Huwag daw magbaon ng pagkain, o magbitbit ng bagahe. Huwag daw magdala ng pera sa bulsa, o ekstrang underwear. Ganoon? Ewan ko lang kung sa panahon natin mayroon pang mapapasunod o maisusugo si Hesus kung ganoon pa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PREJUDICE

 15,816 total views

 15,816 total views Homily for Wednesday of the 4th Wk in Ordinary Time, 31 January 2024, Mk 6:1-6 Mark says the people of Nazareth were “amazed” about the way Jesus preached in their synagogue. They seemed to have been actually impressed at the start. But as soon as they started asking questions like “Where did he

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top