Father Arevalo, kinilala ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,537 total reads

Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang namayapang tanyag na Filipino Theologian na si Fr. Catalino Arevalo, SJ.

Binigyang pugay ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David si Fr. Arevalo dahil sa malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng simbahang katolika sa Pilipinas at sa Asya sa pagiging dalubhasa sa teolohiya.

“We are very greatly indebted to Fr. [Catalino] Arevalo for his immense contribution he has made for the Philippine church.” ani Bishop David.

Pinasamalatan ng opisyal ang namayapang pari dahil sa pagbahagi ng talento at kaalaman sa paghubog ng mga lingkod ng simbahan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo lalo’t ito ang kauna-unahang Pilipinong nagturo sa Jesuit theologate sa Woodstock College sa Maryland USA at kauna-unahang Asyanong napabilang sa International Theological Commission sa Vatican.

Dahil dito, inaanyayahan ni Bishop David ang mga Heswita na tularan ang halimbawa ni Fr. Arevalo sa pagiging aktibong tagapagsulong ng mga programang magpapatatag sa pundasyon ng simbahan.

“I invite our other brother Jesuits Fathers especially the Theologians among them to continue to extend some service to the Philippine Church by serving also as our theological consultants it will be really greatly appreciated.” saad ni Bishop David.

Pumanaw ang pari sa edad na 97 taong gulang noong January 18 sa Jesuit Health and Wellness Center.

Sa halos pitong dekadang pagiging Heswitang pari pinamunuan nito ang iba’t ibang tanggapan ng mga Heswita kabilang na ang Loyola House of Studies at Loyola School of Theology kung saan nagturo ito hanggang 2010.

Kinilala si Fr. Arevalo bilang ‘Father of Asian Theology’ ng Federation of Asian Bishops’ Conferences dahil sa pagiging bahagi na maging buo ang organisasyon kung saan ito rin ang nagbalangkas sa kauna-unahang dokumento ng FABC na pinamagatang ‘Evangelization in Modern Day Asia’ na ginagamit hanggang sa kasalukuyan.

Taong 1997 nang gawaran din nito ng Pro Ecclesia et Pontifice award dahil sa natatanging paglilingkod sa simbahang katolika.

Inihatid sa huling hantungan si Fr. Arevalo nitong January 22 sa Province Cemetery ng mga Heswita sa Sacred Heart Novitiate sa Novaliches, Quezon City matapos ang isinagawang Banal na Misa sa Church of Gesu na pinangunahan ni Fr. Peter Pojol, S.J, ang Socius to the Provincial ng Society of Jesus sa Pilipinas.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 526 total reads

 526 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 7,787 total reads

 7,787 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 21,984 total reads

 21,984 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 62,545 total reads

 62,545 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 89,424 total reads

 89,424 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 137,689 total reads

 137,689 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 158,776 total reads

 158,776 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top