Karapatan, positibo sa pag-usad ng pre-trial sa war on drugs ng administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,670 total views

Umaasa ang human rights group na Karapatan na tuluyan ng maparusahan ang lahat ng sangkot sa marahas na war on drugs ng dating administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang bahagi ng pahayag ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay, matapos na ipinag-utos ng pre-trial chamber ng International Criminal Court na ituloy na ang imbestigasyon ng ICC prosecutor sa drug war killings na naganap sa Pilipinas.

Ayon kay Palabay, nawa ay magsilbing babala rin sa kasalukuyang administrasyon ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng ICC upang wakasan na ang madugong implementasyon ng programa laban sa ilegal na droga sa bansa.

“That is welcome news. We hope that the ICC pre- trial chamber pursues investigation until former Pres. Rodrigo Duterte is convicted and punished for the deaths of thousands in his regime’s bloody anti-drug war. This should also serve as a warning to the current regime for essentially continuing Duterte’s policies on the drug war.” Ang bahagi ng pahayag ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay.

Matatandaang inakusahan ng crimes against humanity si dating Pangulong Duterte at dating Philippine National Police chief at incumbent Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa mga kaso ng extrajudicial killings na may kaugnayan sa War on Drugs noong 2016.

Setyembre ng taong 2021 nang sinimulan ng ICC ang imbestigasyon sa mga kaso ng extrajudicial killings sa Pilipinas ngunit nasuspinde noong Nobyembre ng taong 2021 dahil sa kahilingan ng pamahalaan upang bigyang daan ang pagsasagawa ng sariling imbestigasyon sa mga anomalya at kawalan ng due process sa war on drugs killings.

Sa pagtataya ng pamahalaan aabot lamang sa mahigit 6-na libo ang nasawi sa War on Drugs ng nakalipas na administrasyon na taliwas sa datos ng mga human rights groups na aabot sa mahigit 30-libong indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 24,920 total views

 24,920 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 66,812 total views

 66,812 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 120,855 total views

 120,855 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 148,135 total views

 148,135 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 164,295 total views

 164,295 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 9,289 total views

 9,289 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top