Pagpapatatag ng CBCP Commissions, layunin ng 125th CBCP Plenary assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,804 total reads

Pagsaayos para sa mas mabuting paglilingkod sa mananampalataya.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ito ang isa sa layunin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa ginaganap na 125th Plenary Assembly.

Ipinaliwanag ng obispo nais ng mga lider ng simbahan na paigtingin ang bawat komisyon ng CBCP upang higit na makapaglilingkod sa 80 milyong katoliko sa Pilipinas.

“Pinagsisikapan naming mapagbuti yung serbisyo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, gusto naming i-organize ng mabuti yung lahat ng mga commissions and offices at yung hamon kasi ngayon kung paano tayo maglakbay ng sama-sama hindi lamang kaming mga obispo kundi kasama ang mga layko mga relihiyoso yung lahat ng miyembro ng simbahan.” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Mallari na maraming bagay ang tinalakay ng mga obispo tulad ng Ratio Nationalis na isang programa para sa paghuhubog ng mga maging pari; ang epekto sa mga simbahan sa Pilipinas ng Praedicate Evangelium na ipinatupad ni Pope Francis sa Vatican; at ang panukalang pagkakaroon ng Permanent Deacon sa bansa.
Apela ng obispo sa mga kapwa lingkod ng simbahan na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mamamayan upang maramdaman ang diwa ng pagkalinga ng simbahan.

“Hamon sa aming mga obispo, pari at religious na we will try our best to be closer to the community especially those in the peripheries.” ani Bishop Mallari.

Mahigit sa 80 obispo ang dumalo sa pagbukas ng tatlong araw na pagpupulong na magtatapos sa January 30 na ginaganap sa Pope Pius XII Catholic Center.

Hiling ni Bishop Mallari sa mananampalataya ang ibayong panalangin para sa matagumpay na talakayan na magbubunga ng paglago sa pananampalataya ng mga Pilipino.

“Please pray for us so that we will have the fullness of the Holy Spirit nang sa ganun we will be guided sa lahat ng gagawin.” saad ni Bishop Mallari.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,807 total reads

 23,807 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,460 total reads

 8,460 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 49,021 total reads

 49,021 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,542 total reads

 76,542 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 124,807 total reads

 124,807 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,570 total reads

 146,570 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top