Pamahalaan, bingi sa negatibong epekto ng pagmimina sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,447 total reads

Ikinabahala ng Bayay Sibuyanon ang nangyayaring mining operation sa Sibuyan Island, Romblon.

Ayon kay Rodne Galicha, pangulo ng grupo na patunay lamang ito na mas sinasang-ayunan ng pamahalaan ang mapaminsalang pag-unlad sa halip na pakinggan ang panawagan ng taumbayan na pangalagaan at pagyabungin ang mga likas na yaman ng bansa.

Ang mining operation sa Sibuyan Island ay hawak ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) na kamakailan lamang ay binigyan na ng mineral ore export permit mula sa Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau.

“This mining company has no barangay clearance and municipal business permit! Where is the DENR foreshore lease contract and [Philippine Ports Authority] permit to construct private port? Our environmental defenders are now fighting for our rights on the ground.” pahayag ni Galicha.

Magmula noong Miyerkules, 24-oras na binabantayan ng Sibuyan Island environmental defenders ang isinasagawang nickel ore hauling ng APMC sa bahagi ng Sibuyan Island.

Hinamon naman ni Galicha ang mga opisyal ng mga apektadong bayan na manindigan at makipagtulungan para mapigilan ang operasyon ng Altai Mining at hindi na umabot pa sa labis na pinsala sa kalikasan at kapahamakan sa mga tao.

Tinukoy din ni Galicha ang Philippine National Police na maging huwaran at tuparin ang tungkuling itaguyod ang kaligtasan at seguridad ng mga apektadong mamamayan.

“I urge our local leaders and authorities to hold the line and be with the people especially that the local government did not issue any business permit. To the PNP, don’t attempt to defend the mining company – you must look for their barangay clearance and municipality business permit. This mining company has caused us so much pain, division, hatred and anger.” saad ni Galicha.

Sa ginanap na public hearing noong January 22, 2023, pinagtibay ng mga opisyal ng Barangay España, San Fernando, Romblon ang 25-year mining moratorium ordinance na layong pigilan ang pagpasok ng mga mining companies sa Sibuyan Island.

Ang nasabing ordinansa ay isusumite sa Sangguniang Bayan ng San Fernando upang suriin at agad na ipatupad para sa kapakanan ng mga likas na yaman ng Sibuyan Island at mga residente.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 22,712 total reads

 22,712 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 6,455 total reads

 6,455 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 47,018 total reads

 47,018 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 74,643 total reads

 74,643 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 122,908 total reads

 122,908 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 144,727 total reads

 144,727 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,201 total reads

 128,201 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top