Share the good news

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,235 total reads

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na tinatawagan ang bawat isa na maging misyonero sa kapwa.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco ng CBCP Episcopal Commission on Mutual Relations, hindi ekslusibo sa mga pari, madre at relihiyoso ang pagmimisyon sapagkat hindi lamang ito nangangahulugan ng pagdadasal kundi maging misyonero sa natatanging paraan.
Ipinaliwanag ng opisyal na bawat ginagamapanan at ginagalawan ng mamamayan ay maaring makapagbahagi ng misyon sa sariling pamamaraan.

“It’s the nature for mission to share the good news kaya lahat kayo mga layko ay inaanyayahang makiisa sa misyon ng ating simbahan ayon sa ating bokasyon, propesyonal ka, nagtatrabaho ka sa kompanya o sa kahit na anong ordinaryong gawain there is a mission.” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng obispo na napananahon ang pagdiriwang ng National Bible Month ngayong Enero upang alalahanin ng mananampalataya ang pagsasabuhay sa mga Salita ng Diyos na isang paraan ng pagmimisyon.

Batid ni Bishop Ongtioco na malaki ang magagawa ng mga layko sa paglago ng simbahang katolika sapagkat ito ang mayorya sa populasyon ng mga katoliko sa bilang na 99 na porsyento.

Paalala ng pinunong pastol ng Cubao na bawat biyayang tinatanggap ay nararapat na ibahagi kabilang na ang pananampalataya.

Isa si Bishop Ongtioco sa mahigit 80 obispong dumalo sa ika – 125 CBCP Plenary Assembly kung saan kabilang sa tinatalakay ang lay empowerment para sa pag-unlad ng simbahang sama-samang naglalakbay alinsunod sa panawagan ng Santo Papa Francisco na synodality.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 13,541 total reads

 13,541 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 98,477 total reads

 98,477 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 192,808 total reads

 192,808 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 254,494 total reads

 254,494 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 299,756 total reads

 299,756 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top