PBBM, hinimok na bigyan ng go signal ang ICC investigation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,735 total reads

Hinikayat ng Makabayan solon ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hayaang magsagawa ng imbestigasyon ang international criminal court sa drug war killing sa bansa gayundin ang pagiging kaanib ng pandaigdigang hukuman.

Ayon kay House Deputy Minority leader ACT Teachers partylist Representative France Castro, isa rin itong hakbang upang maenggganyo ang mga ‘investor’ sa Pilipinas.

“I along with other Makabayan bloc members urge the Marcos adminisration to change its mind on the probe and rejoin ICC, as this will also bolster President Marcos Jr’s bid to convince investors to come here.” ayon pa sa mambabatas.

Inihayag ni Castro na ang pagmamatigas ng pamahalaan sa ICC ay tila nangangahulugan na may pinagtatakpan ang gobyerno.

Iginiit ni Castro na dapat tingnan ng admnistrasyon na ang ICC investigation ay hindi pakikialam kundi ay makakatulong sa pagkukulang at kakulangan ng justice system sa bansa.

Unang pinuri ni Castro ang pagpayag ng ICC na muling buksan ang kaso kaugnay sa drug war na nagsimula noong 2016 sa ilalim ng dating administrasyong Duterte.

Nanindigan ang mambabatas na mahalagang matukoy at maparusahan ang mga responsable sa karahasan at mga pagpaslang upang makamit ng mga biktima ang matagal nang inaasam na katarungan.

Una na ring nagpahayag ng pakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa pagbubukas ng imbestigasyon sa mga kaso ng pagpaslang upang mapanagot ang mga nagkasala.

Sa tala ng iba’t ibang human rights group, hindi bababa sa 20-libo katao ang naitalang napatay na may kaugnayan sa war against drugs ng pamahalaan.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 4,574 total reads

 4,574 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 35,012 total reads

 35,012 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 129,242 total reads

 129,242 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 189,737 total reads

 189,737 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 203,644 total reads

 203,644 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 284,285 total reads

 284,285 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top