Mining operations ng APMC, ipinatigil

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,287 total reads

Isasailalim muna sa ‘status quo’ ang operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) sa Sibuyan Island.

Ito ang napagkasunduan sa ginanap na diyalogo hinggil sa pagmimina sa isla sa pagitan ng mga apektadong mamamayan, pamahalaan, at mining company.

Napag-alaman sa pagpupulong na nilabag ng Altai Mining ang iba’t ibang batas tulad ng Water Code of the Philippines, at ilegal na pagtatayo ng mga imprastraktura, at pagpuputol ng mga puno.

“The company is directed to stop further developing the area and avoid unnecessary activities that would worsen the situation in the area,” bahagi ng facebook post na ibinahagi ni Bayay Sibuyanon president Rodne Galicha.

Ipapaskil naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Notice of Violation (NOV) sa gate ng APMC at iba pang lugar na sakop ng ilegal na operasyon.

Ngunit, nilinaw dito na hindi pa ito pagbawi sa exploration permit o mineral production agreement ng mining company.

Dagdag pa ng pahayag na pinagtuunan din sa diyalogo ang kawalan ng transparency, ugnayan, at paggalang ng mga ahensya ng pamahalaan sa lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Romblon lalo na sa Sibuyan Island.

Kabilang na rito ang presensya ng ilang kawani ng Philippine National Police sa lugar na nagdulot ng pangamba at gulo sa mga apektadong residente nang sapilitang dumaan sa barikada ang ilang truck ng APMC.

“PNP will act on the behaviour of the deployed team involved in the series of incidents upon filing of complaints,” ayon sa pahayag.

Sa kasalukuyan ay nananatili pa ring nakabantay sa barikada ang ilang residente ng Sibuyan upang patuloy na bantayan ang pagkilos at gawain ng Altai Mining hanggang sa tuluyang umalis ang mga barko ng mining company.

Kabilang sa nakibahagi sa diyalogo sina PNP Southern Luzon Police Commander PLtGen Rhoderick Armamento; mga opisyal ng Barangay Espana, San Fernando Mayor Nanette Tansingco; at Romblon Governor Jose Riano.

Dumalo rin sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government; DENR-Mines and Geosciences Bureau; DENR Regional Office; Altai Mining; Integrated Bar of the Philippines Romblon; Cajidiocan Mayor Greggy Ramos, Romblon Diocesan Social Acton Director Fr. Ric Magro; at Rodne Galicha.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 22,664 total reads

 22,664 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 6,376 total reads

 6,376 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 46,939 total reads

 46,939 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 74,570 total reads

 74,570 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 122,835 total reads

 122,835 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 144,655 total reads

 144,655 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,198 total reads

 128,198 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top