2,409 total views
Inilawan ng University of Santo Tomas (UST) ang kanilang main building at UST Arch of the Century ng kulay kahel at bughaw bilang pakikiisa sa World Cancer Day bukas, February 04.
Ayon sa paaralan, ang pakikiisa na ginanap sa pagitan ng ika-anim hanggang ika-siyam ng gabi ay upang mapalalim ang kamalayan ng mamamayan sa suliranin na idinudulot ng cancer sa lipunan.
“May we encourage all units to creatively promote interdisciplinary discussions, formal or informal, that would genuinely raise awareness and education about cancer towards a call for more action, may it be motivating neighbors to provide transport to cancer treatment for a fellow resident or ensuring that healthy and affordable food options are offered at our units, we can ask ourselves what could we do to close the gap in cancer care?,” mensahe ni UST Secretary-General Rev.Fr.Louie Coronel O.P, EHL.
February 03 sa UST official Facebook page ay natunghayan ang talk show na pinamagatang “Lifeline” na tinatalakay ang mga impormasyon hinggil sa sakit na cancer.
Sa February 04, sa araw ng World Cancer Day ay i-aalalay ng UST Chapel o Santisimo Rosario Parish ang misa ganap na 7:30 ng umaga para sa mga cancer patients, survivors at kanilang mga pamilya na naapektuhan rin ang buhay ng dahil sa pakikipaglaban sa sakit.
Paananaya din ng UST sa mga mag-aaral na Tomasino ang panunuod ng video infographics hinggil sa cancer na maaring matagpuan sa Thomasian Online Medical Services and Support.
Batay sa pinakabagong datos ng World Health Organization (WHO), noong 2020 ay umabot sa 10-milyong katao ang nasawi ng dahil sa cancer.
Sa kabila ng kawalan ng gamot laban sa cancer ay ipinaalala din ng W-H-O na maaring malunasan ito sa pamamagitan ng early detection, pananatiling malusog at regular nag pagkonsulta sa doktor.






