Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

444th anniversary ng pagiging diocese ng Manila, pinangunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,953 total views

Mananatiling masigla ang simbahang tumutugon sa pangangailangan ng nasasakupang kawan.

Ito ang binigyang diin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa misang ginanap para sa ika – 444 anibersaryo ng pagiging Diyosesis ng Maynila, ang kauna-unahang diyosesis ng Pilipinas.

Ayon sa cardinal mahalagang maging bukas sa mga pagbabago ang simbahan upang mapagtibay ang paglilingkod sa mananampalataya.

“A church that is not open to renewal easily grows old, insignificant and obselete but a church that is docile, responsive and open to renewal remains ever young and vibrant,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula.

Sinabi ng punong pastol ng Maynila na mabilis tumanda ang simbahang takot sa mga pagbabago at mananatili ang mga nakaugalian gayundin ang mga namumuno rito.

Hamon ni Cardinal Advincula sa mananampalataya na suriin ang mga parokya, pamayanan at institusyong kinabibilangan kong naging bukas ito sa pagtanggap ng mga bagong ideya na makatutulong mapalago ang pagmimisyon bilang simbahan.

Nagpasalamat si Cardinal Advincula sa mamamayan na bagamat mahigit na sa apat na sentenaryo ang arkidiyosesis mula nang maihiwalay sa Mexico noong February 6, 1579 ay naging bukas ito sa pagbabago tungo sa pag-unlad ng simbahan.

Tinukoy ng arsobispo ang mga pagbabagong kanyang ipinatupad mula nang maitalaga sa arkidiyosesis tulad ng pagtatatag ng mission stations sa mga pamayanan gayundin ang team ministries na nangangasiwa sa mga parokya.

Kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ay pormal na isinara ng arkidiyosesis ang Jubilee Door ng Manila Cathedral tanda ng pagtatapos sa yearlong celebration ng 500 Years of Christianity ng Archdiocese of Manila.

Inihayag ng cardinal na nakatanggap ng plenary indulgence ang mga dumalo sa pagtitipon kaakibat ng pagsunod sa mga alituntunin.

Dumalo sa pagdiriwang si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, mga pari ng arkidiyosesis, mga relihiyoso at mga layko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 32,237 total views

 32,237 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 48,845 total views

 48,845 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 58,404 total views

 58,404 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Andaming sumasawsaw

 134,845 total views

 134,845 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top