Pagpapahinto sa operasyon ng APMC, ikinatuwa ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,749 total views

Ikinagalak ng Alyansa Tigil Mina ang pagbawi at paghinto ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) sa mining operations sa Sibuyan Island, Romblon.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, ito ang resulta ng matatag na paninindigan ng mamamayan ng Sibuyan upang patuloy na mapangalagaan ang isla laban sa ilegal na pagmimina.

“This is a victory of the struggle of Sibuyanons and their deep commitment to protect their natural resources and beautiful environment in Sibuyan Island,” pahayag ni Garganera.

Gayunman, paalala ni Garganera na hindi ito nangangahulugang tapos na ang pakikipaglaban ng Sibuyan bagkus pagpapatuloy ng nasimulang pagsisikap na mas bantayan ang kaligtasan ng isla at pamayanan sa pagpasok ng mga mapaminsalang proyekto.

Nitong Pebrero 6 ay naglabas ng pahayag ang APMC at inanunsyo ang kusang loob na paghinto sa ‘exploration activity’ sa Sibuyan Island.

Nakasaad sa pahayag ng mining company na layunin nitong mapanatili ang pagiging responsable sa kalikasan at pakikipag-ugnayan sa mga pamayanan.

“Our priority is to maintain peace and order, to ensure the concerns and well-being of the Sibuyanons, and to ensure that no parties are negatively impacted by our operations,” bahagi ng pahayag ng APMC.

Samantala, iginiit naman ni Bayay Sibuyanon president Rodne Galicha na mananatili ang paninindigan ng mamamayan ng Sibuyan kahit na tumigil na ang operasyon ng mining company sa isla.

Muli namang tinukoy ni Galicha ang pagkilos ng mga ahensya ng pamahalaan upang agarang maglabas ng cease and desist order laban sa APMC, at patuloy na bantayan ang mga gawain ng kumpanya sa kabila ng anunsyong pagtigil ng operasyon.

“We still urge Department of Environment and Natural Resources to issue a cease and desist order and eventually revoke the mining company’s Mineral Production Sharing Agreement. We urge the Philippine Coast Guard and the Bureau of Customs to act on the hauled nickel ores and the presence of barges and an international ship. Ang laban ng Sibuyan ay laban ng buong Sambayanan,” ayon kay Galicha.

Nauna nang nagpahayag ng suporta si Romblon Bishop Narciso Abellana sa pagkilos ng mga residente ng Sibuyan Island, at iginiit na dapat pangalagaan ang isla lalo’t itinuturing ito bilang Galapagos of Asia dahil sa natatanging ganda at hitik sa likas na yaman.

Batay sa datos, nasa isang porsyento lamang ang ambag ng industriya ng pagmimina sa ekonomiya ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 16,126 total views

 16,126 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 38,131 total views

 38,131 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 62,473 total views

 62,473 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 86,402 total views

 86,402 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 120,995 total views

 120,995 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top